37 CLARISSES’S POV Nagising na lang ako na walang kadahilanan, dahan-dahan na minulat ko ang aking mga mata at una ko kaagad nakita ang puting kisame. Pikit-mata pa ako dala ng matinding antok na umingos na lang ako sa pag kakahiga na patagilid at kaagad nanlaki ang aking mata sa aking nasaksihan. Mag kaharap kaming dalawa ni Travis na naka-higa sa malambot na kama. Mahimbing siyang natutulog samantala hindi ko naman kaagad napansin ang kamay niyang naka-pulupot sa aking baywang sa ilalim ng makapal na comforter. Napa-lunok na lamang ako ng mariin dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa’t-isa na ilang dangkal na lang talaga ang layo. Mula roon, malaya kong nasaksihan ang guwapo niyang mukha na parang angel kung natutulog. Matangos na ilong, Makapal na pilik-mata at kilay hanggan

