26 TRAVIS POV Mariin pinikit ni Travis ang kanyang mata, ninanamnam ang mahina at magandang musika. Kanina pa siya naka upo sa single couch sa loob mismo ng kanyang silid, naka cross-legs at parang hari kung umasta base sa kanyang prostura. Naka patong ang kaliwang kamay ni Travis sa sandalan sa upuan, samantala naman ang kamay niyang isa may hawak na baso may laman ng matapang na whiskey na kanina niya pa iniinom ng sandaling iyon. Napuno ng katahimikan sa silid na iyon, na madarama mo ang lamig lalo’t may ibang parte ng silid nilamon na ng dilim na kokonti lang ang makikita mong liwanag roon na naka bukas. Ang pananahimik na pag inom ni Travis, bigla na lang napukaw na madama ang pag vibrate ng kanyang cellphone. Wala sa sariling kinuha niya iyon at tinignan na galing lang iyon sa k

