bc

Made of Money

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
family
kickass heroine
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
campus
small town
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

She is known to be Queen Of The Nerds. Nilalait, pinagtatawanan, pinagsasabihan ng mga pangit na salita.

But despite of all of that, hindi siya kailanman pumatol sa mga taong iyon. She has her own little dangerous world!

Bakit nga ba naman niya sila papatulan? It's only a waste of time for her na patulan ang mga mapang-aping taong iyon. Bakit hindi na lang niya gawing... madalian?

Adeline delos Reyes is just an ordinary ugly student. Mabait at masunuring anak. Hindi kumikibo sa lahat ng mga panlalait na kaniyang natatanggap.

Kaya sino ba naman ang mag-aakalang... kaya niyang bahiran ng dugo ng ibang tao ang kaniyang mga kamay?

Sa pagpasok niya sa Zaría University, which is the most luxurious university in the country, alam niyang doon na unti-unting magbabago ang buhay niya.

Maraming tao ang magtutulong-tulong upang saktan at alisputahin siya, higit pa sa panlalait na natanggap niya sa dating eskuwelahan.

Mas mabibigat, mas makapangyarihan at mas nakakatakot ang makakalaban niya.

Kaya ba niya iyong harapin nang mag-isa? O kailangan niya ng makakasama para kalabanin sila?

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE Villaluna “You will always be in my heart,” bulong ng isang batang babae sabay hulog ng bulaklak sa isang kabaong. Nasa isang lupain sila kung saan may iilang lapida ang nakadikit sa lupa. Halos lahat sa mga ito ay may mga apelyidong Villaluna. Hindi pa gustong umalis ng batang babae roon ngunit hinila na siya ng kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki dahil tatakpan na ang kabaong. Inihatid siya nito sa kanilang inang nakaupo habang pinupunasan ng panyo ang mga matang lumuluha. Nakasuot ito ng itim na belo at bistida. Ngunit kahit na umiiyak ito ay lumilitaw pa rin ang angkin nitong kagandahan at nasa kilos ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan. Niyakap ng batang babae ang ina upang kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman nito. Siya si Chrysta Alicia Villaluna. “Chali” kung tawagin ng mga taong malapit sa kaniya. Bunsong at nag-iisang anak na babae nina Claudia at Alexis Villaluna. Umupo na rin sa tabi nila si Clarenz Villaluna, ang kaniyang nakatatandang kapatid. Sabay na nilang tinitingnan ngayon ang mga taong tahimik na tinatabunan ng lupa ang kabaong ng kanilang ama. Nang yakapin si Chali pabalik ng ina ay muling bumalik sa kaniyang alaala ang mga nangyari noong gabing iyon. Nabulabog ang lahat nang biglang tumunog ang emergency alarm ng buong bahay. Ang lahat ng taong nasa loob ng mansion ay naggising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ang dating tahimik na paligid ay biglang umingay. Hindi mapigilang sumigaw ni Chali nang marinig ang kabi-kabilang putok ng baril dahil sa takot. Agad siyang niyakap ni Renz at pilit na pinapakalma kahit na ito ay natatakot din. Maingay ang paligid dahil sa mga putok ng baril na sinasabayan pa ng nakakabinging alarma at yabag ng mga taong pumaparoo’t pumaparito na may halong sigawan. Halos yumanig ang buong bahay sa hindi maipaliwanag na ingay. Naroong may sumisigaw sa takot, sigaw ng nagbibigay ng command, at pagsabog mula sa iba’t-ibang parte ng bahay. Si Chali ay sampung taong gulang habang ang kaniyang kapatid na si Renz ay labintatlong taong gulang. “Don’t worry, Chali. Everything will be fine. Not now but for sure, it will,” bigkas ni Renz, nagbabaka-sakaling titigil na sa pag-iyak ang kapatid ngunit hindi pa rin. Nagulat sila nang marinig ang pagsabog mula sa kung saan. Bubuksan sana ni Chali ang pinto upang tingnan kung maayos ba ang lagay ng kanilang mga magulang ngunit pinigilan siya ni Renz. “Mahigpit na bilin ni daddy na hindi tayo puwedeng lumabas ng kuwarto hanggat hindi niya sinasabi.” “What if may nangyari nang masama kina mommy at daddy?” tanong ni Chali sa garalgal na boses. “Chill. Walang mangyayaring masama sa kanila.” “ALEXIS VILLALUNA! WALA KA NANG KAWALA NGAYON! IBIGAY MO NA SA AMIN ANG SUSI KUNG AYAW MONG PATI ANG DALAWA MONG ANAK AY MADAMAY!” matapang na sigaw ng isang lalaki mula sa labas ng kanilang bahay. Maya-maya ay dumating ang mga pulis. “SUMUKO KA NA CARLITO LARGUEZA! NAPAPALIBUTAN KA NA NAMIN!!!” sigaw ng isang pulis. Narinig nila ang malakas na pagtawa ng lalaking sumigaw. “AT BAKIT AKO SUSUKO? HINDI PA AKO BALIW PARA GAWIN IYON! SINO BA KAYO HA?” Muli na naman itong tumawa. “ISA LAMANG KAYONG HAMAK NA PULIS!” Umingay na naman ang paligid. Mas dumami na ngayon ang naririnig nilang putok ng baril. Sa wari ni Renz ay lumaban ang mga kalaban ng kaniyang daddy sa pulis. Biglang bumukas ang pinto ng kanilang kuwarto. Agad na tumakbo si Chali palapit sa kaniyang mommy Claudia nang pumasok ito. Sunod ding pumasok ang kanilang daddy na nakasuot pa ng pormal na damit. “Hindi na kayo ligtas dito. Patay na ang lahat ng mga pulis. You need to get out of here!” wika ng kanilang daddy. Lumabas sila ng kuwarto habang napapalibutan ng maraming guwardiya at tatlong kasambahay. Silang magkapatid ay hawak ni Claudia habang nakaalalay sa kanilang likod si Alexis. Hawak nito sa magkabilang kamay ang dalawang baril. Sa ilang minutong paglalakad sa loob ng bahay habang iniiwasan ang mga parte ng gusaling umuusok ay tumambad sa kanila ang isang pader. Sa dalawang gilid ay may nakatayong estatuwa ng Leon. Lumapit si Alexis sa Leon na nasa kaliwang bahagi at inikot ang ulo nito. Dahan-dahang bumukas ang pinto ng pader. Bumulaga sa kanila ang isang kuwartong walang kahit anong laman. Unang pumasok si Claudia sa kuwarto at yumuko. Pinukpok niya ng tatlong beses ang lapag na naging dahilan upang bumukas ito at umangat ang maliit na bahagi, sapat na upang makita nila ang hagdan pababa. Nang tumigil na sa pag-angat ang pinto ng hagdan ay naunang bumaba ang tatlong kasambahay at ilang guwardiya, sunod ay ang dalawang bata. Lumingon si Claudia kay Alexis at maluha-luha itong niyakap. “Ikaw na ang bahala sa mga bata,” bilin ng asawa. May kinuha siyang susi sa bulsa at ibinigay ito kay Claudia. “Huwag mong hayaang makuha nila iyan. Itago mo sa lugar na hindi nila kailanman makikita. Kung hanapin nila sa’yo, tell them that I still have it in me. Never ever tell them.” Tumango si Claudia at pinunasan ang luha nang walang sinasabi. Malungkot ang damdaming bumaba na siya sa hagdan. Nang makababa na sila ay agad na ipinag-utos ni Alexis sa isang guwardiya na ito ay isara. Bumuntong-hininga siya at mabigat ang mga paang naglakad palayo sa kuwartong iyon at maingat itong isinara. Walang maririnig na ingay sa kuwarto mula sa labas. Tanging mga yabag at boses sa loob lamang ang kanilang naririnig. Tahimik na naupo si Claudia sa isang sulok. Tinabihan siya nina Renz at Chali. Kalaunan ay nakatulog na rin ang mga ito ngunit siya ay tulala pa rin hanggang sumapit ang umaga. Nang masigurong wala nang mga kalaban ay tahimik silang umakyat ng hagdan. Tumambad sa kanila ang mga wala nang buhay na guwardiya at kasambahay. Nagkalat din ang mga dugo sa loob at labas ng bahay. Napasigaw si Claudia nang makita ang duguang katawan ni Alexis. Agad niya itong nilapitan at niyakap. Napayakap si Chali kay Renz at napahagulgol. Hindi makapaniwala si Renz na wala na ang kanilang ama. Kilala niya itong matapang at walang labang inaatrasan. Sa murang edad ay mukhang si Renz na ang tatayong padre de pamilya. Muling bumalik sa kaniyang isipan ang laging sinasabi ng kaniyang ama. “Sa buhay na ito, wala kang ibang dapat pagkatiwalaan kun’di ang sarili mo. Huwag kang basta-basta makipagkaibigan sa mga taong hindi mo kilala at huwag mong pagkakatiwalaan ang mga dati mo nang kaibigan dahil darating ang araw na baka bumaliktad sila sa iyo at hindi mo namamalayang sinasaksak ka na pala nang patalikod. You need to be careful, Renz. Hindi lahat ng mukhang anghel ay totoong anghel. Remember that a demon can disguise as an angel.” Lumapit si Renz sa kaniyang amang abala sa pagsusulat sa mesa. “But there’s a true angel whom you can trust, dad,” wika niya. Iniangat ni Alexis ang mga mata sa anak at ngumiti saka inialis ang salamin sa mata. “That’s why you need to carefully choose your friends, my dear. Hindi naman masamang magtiwala ngunit hindi rin masamang mag-ingat. There’s a borderline between your friends and yourself.” “What do you mean, dad?” “Kahit kaibigan mo sila, may mga bagay pa ring hindi mo nararapat ipagkatiwala at ipagsabi sa kanila. May mga bagay kang dapat panatilihing ikaw lang ang nakakaalam.” Ang nangyari sa pamilya Villaluna ay naging laman ng usap-usapan mapa-diyaryo man o telebisyon. Hindi lubos akalain ng mga tao na ang isang makapangyarihang pamilya ay magagawang kalabanin ng mga taong walang masyadong impluwensiya. Unti-unti nang nagkakaroon ng ideya ang mga tao kung ano ang puwedeng mangyari sa mga taong kumalaban sa pamilya Villaluna sa mga susunod na araw. Kilala nila ang pamilyang ito na mabagsik. Alam nilang kaunti lamang ang hihintayin at makakamit na rin ni Carlito Largueza ang kamatayang nararapat na sapitin niya. Ngunit pagkalipas ng ilang araw, nagulat ang lahat nang marinig ang isang balitang hindi nila lubos na inaakala. “Natagpuang patay kaninang umaga ang nag-iisang anak na babae ni Claudia Villaluna na si Chrysta Alicia “Chali” Villaluna. Basag ang mukha nitong palutang-lutang sa ilog. Ang katawan ay puno rin ng galos at saksak. Ayon sa mga pulis, ang biktima ay walang senyales na ito ay ginahasa. Isinugod sa ospital si Chali ngunit ito ay itinuring na dead on arrival. Matatandaang kamakailan lang ang nangyaring trahedya sa pamilya Villaluna na ikinasawi ng padre de pamilya nitong si Alexis Villaluna. Iniimbestigahan na ng pulisya kung ang mga kalaban ba ng pamilya Villaluna ay may kinalaman sa pangyayaring ito. Sinusubukan din naming ku’nin ang pahayag ni Mrs. Villaluna. Ako po si Devy Rivera. Para sa karagdagang balita, tumutok lamang sa PRM News.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Bounty Hunter and His Wiccan Mate (Bounty Hunter Book 1)

read
102.2K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
74.8K
bc

Nanny And Her Four Alpha Bullies

read
26.5K
bc

Mistletoe Miracle

read
8.2K
bc

Three Alpha Bikers Wants An Open Marriage(An Erotic Paranormal Reverse Harem)

read
98.1K
bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.3K
bc

Part of your World

read
88.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook