CHAPTER 3. THE ACCIDENT

1080 Words
Habang nasa sasakyan kami nina Shella at ni Stacy ay halos hindi kami matigil sa pagtawa. Hindi talaga mawala sa isipan namin ang expression ni Dylan ng yumuko ako. "Nakakatawa talaga ang laki-laki ng mata niya habang nakatingin sa dibdib mo bess!" sabi ni Stacy sabay halakhak. "Kaya nga eh sinadya ko talaga iyon. Alam na alam ko ang mga kahinaan ng mga lalaki, at kapag type ko alam ninyong hindi ko ito pinapalagpas," nakataas kilay na sabi ko. "So, paano kapag tinawagan ka niya na magkita kayo? Makikipagkita ka sa kanya?" tanong naman ni Shella habang nagmamaneho ng sasakyan. "Of course! Ako pa ba?!" sabi ko naman. Nagtawanan lang kami ulit. Hindi ako makapaniwala na ngayon ay may magugustuhan na naman ako. Napapikit ako ng aking mga mata habang ini-imagine ang mukha ni Dylan. Laking gulat ko ng may narinig akong sumalpok ng napaka lakas at mabuti nalang ay nakahawak ako sa may likod ng upuan. Napatingin ako kay Shella at Stacy, parehas na silang walang malay. "S-Stacy? S-Shel?!" nanginginig kong sambit sa kanilang mga pangalan. Natatakot ako at hindi ko alam ang aking gagawin. Hinawakan ko si Stacy dahil magkatabi kami. "Stacy, wake up!" sigaw ko. Hindi ko mapigilan at napaiyak ako dahil sa sobrang kaba. "Shella!" tawag ko pa kay She. Wala ng sumasagot sa kanilang dalawa. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ko at tinawagan sina Daddy at Mommy. Nakailang call na ako sa kanila pero walang sumasagot. Naririnig ko na ang ingay ng mga tao sa labas ng kotse at ang siren ng ambulansiya. May biglang bumukas ng pintuan ng sasakyan. "Dito! May babae dito!" sigaw ng isang pulis. Kaagad naman na rumispondi ang mga ito. Inalalayan nila ako na makababa sa sasakyan at dinala sa may ospital. Naiisip ko pa rin sina Stacy at Shella, ano na kaya ang nangyari sa kanila? Sana okay lang din sila kagaya ko. Hindi ko na kasi nakayanan ang aking mga nakita kanina, napakaraming dugo ang lumalabas sa kanila. Swerte nalang siguro ako dahil gasgas lang ang aking natamo at ang ulo ko ay nauntog kaya dumugo. Kaagad nila akong ginamot sa may ospital. Tinawagan ko ulit sina Mommy at Daddy pero hindi pa rin sila sumasagot alam ko na sa ganitong oras ay tulog na sila. "Hija, kamusta na ang pakiramdam mo? Ayus kalang ba?!" tanong ng isang pulis na sumama sa akin papuntang ospital. "We need your statement tungkol sa nangyaring banggaan. Ang mga kasama mo sa sasakyan ay nasa emegency room ngayon!" sabi pa nito. Nangingilid na ang aking mga luha. "I-i w-want to see my parents!" sabi ko habang nanginginig pa rin. Biglang tumunog ang aking cellphone. Dali-dali kong tiningnan kung sino ang tumatawag, nang makita ko na si Mommy ito ay kaagad kong sinagot. "Elize, kanina kapa tumatawag-" "Mom, nasa ospital ako! Naaksidente kami i don't know kung paano nangyari. Please, puntahan mo ako!" umiiyak kong sabi. "What?! Saang ospital ka ngayon?!" Halata sa boses nito na nagpapanic si Mama. Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako pagkatapos ay kaagad na niyang ibinaba ang kanyang telepono. Umiyak lang ako nang umiyak. Patuloy sa pagtatanong sa akin ang pulis pero ni kahit isa ay wala akong sinasagot. Nag-aalala ako sa sitwasyon nina Stacy at Shella. Maya-maya pa ay dumating na si Mommy at Daddy. Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit. "Oh my God, Elize! Okay kalang ba anak? May masakit ba sa iyo?!" sunod-sunod nitong tanong. "Mommy, natatakot ako!" sabi ko habang humahagulgol sa iyak. "Tama na anak, huwag kang matakot ako ang bahala sa iyo!" sabi naman ni Mommy at hinaplos ang aking likuran. Feeling ko safe ako kapag kasama ko si Mommy. Napatingin ako kay Daddy at napahilot ito sa kanyang sentido habang hindi umiimik. Maya-maya pa may pumasok na Doktor. Tanong nang tanong si Mommy tungkol sa kalagayan ko. "She's fine, mayroon lang siya na mga kaunting injuries kaya huwag kayong mag-alala," nakangiting sabi ni Dok. Napahinga naman si Mommy ng malalim. "Pwedi ba Dok na sa bahay na namin magp ahinga ang aking anak?!" tanong ni Mommy. "Yes, sure!" ani ng Doktor. Inalalayan ako ni Mommy palabas ng ospital. Habang nasa byahi kami pauwi ng bahay ay hindi talaga umiimik si Daddy. Kahit isang salita wala talagang lumabas sa kanyang mga bibig. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay. Kaagad na binuksan ni Daddy ang telebisyon at umupo sa may sofa. Tamang-tama ng pagbukas niya ng tv ay iniulat ang tungkol sa nangyaring banggaan kanina. Ininterview nila si Stacy, gising na pala ito at kaya nawalan ng malay dahil nauntog ang kanyang ulo. Habang kinakausap ng mga media si Stacy ay ibinulgar nito na marami kaming nainom. "Ihahatid na kita sa kwarto mo!" sabi ni Mommy sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Nang paakyat na kami ng hagdan biglang nagsalita si Daddy. "Sandali!" ani nito. Nagtinginan kami ni Mommy at humarap kami sa kanya. Sinampal niya ako ng napakalakas. "Arthur!" sigaw ni Mommy sa kanya. "Alam mo naman na hindi pa magaling ang anak mo tapos sinaktan mo na naman?!" galit pa nitong sabi kay Daddy. "Buong buhay mo iningatan at inalagaan kita tapos ito ang ibibigay mo sa akin? Puro sama ng loob? Alam mo ba na malaking kahihiyan ang ginawa mo?! Ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa akin?!" galit na sigaw sa akin ni Daddy. Napaiyak ako. "Dad, aksidente ang nangyari!" sabi ko naman sa kanya. "Pagod na akong maglinis sa mga kalat mo Elize! Simula ngayon, wala ka ng aasahan na tulong mula sa akin. Buhayin mo ang sarili mo na mag-isa at lumayas ka dito sa pamamahay ko!" sigaw pa nito sa akin. "Arthur, huwag mo naman gawin 'yan sa anak natin, pakiusap!" sabi ni Mommy. "Ilang beses na kitang pinagbigyan Alicia, ngayon hindi na kita papakinggan!" sabi naman ni Daddy. "Sarili mong anak papalayasin mo?! Kunsabagay, nahihiya ka nga pala sa ginawa ko. Pero alam mo Dad, hindi naman sana ako magkakaganito kung hindi mo ako pinabayaan. Minsan mo na akong hindi naprotektahan kaya ano pa ang aasahan ko sa iyo?!" sabi ko naman sa kanya. "Kung ayaw mo sa akin bilang anak mo ayaw ko din sa iyo bilang Ama ko." Padabog akong umakyat sa hagdan at tumungo sa kwarto ko. Kinuha ko ang aking mga gamit at ipinasok sa loob ng aking maleta. Kahit medyo masakit pa ang aking katawan at ulo kong may sugat ay pinipilit kong indahin. Ang problema ko ngayon, saan ako pupunta?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD