Hindi sa dahil wala akong pera hindi na ako pweding mag bar. Kasama ko ngayon ang aking mga kaibigan na sina Stacy at Shella. Syempre ililibre daw nila ako kasi ang excuse ko ay naiwan ko ang ATM ko sa bahay. Kanina ko pa napansin ang lalaking nakaupo sa aming harapan na panay ang sulyap niya sa akin.
"Bess, nakita mo ba ang lalaking iyon? Kanina pa nakatitig sa iyo parang natamaan ata ng alindog mo," nakangising sabi ni Stacy.
"Yeah, napansin ko din kanina pa. Pogi naman siya hindi ba?" sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko.
Nakita namin ang lalaking tumayo sa kanyang upuan at lumapit sa amin. Inayos ko ang aking upo para magmukhang virgin kuno.
"Hi, can i join?" tanong niya.
"Why not?!" sagot kaagad ni Shella.
Ngumiti ang lalaki sa akin. Infairness, malakas ang appeal ng mokong. Gwapo, matangkad at moreno. Ito 'yung mga gusto ko sa lalaki e, ayaw ko sa mga maputi dahil nakakaumay na.
"Ako nga pala si Dylan." Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin sabay ngiti ng malapad. Ramdam kong biglang lumuwag ang garter ng panty ko. Parang alam ko na ang mangyayari ngayong gabi na ito, mapapabigay na naman yata ako. Marunong akong kumilatis ng tao at alam na alam kong interesado siya sa akin. The way he act and smile at me there's something na gusto niyang ipahiwatig.
"Bess, are you okay?!" tanong ni Shella sa akin sabay hampas sa aking balikat.
Bigla naman akong bumalik sa katinuan ko at umiwas ng tingin kay Dylan. Nakipag shake hands ako sa kanya pero hindi ko pa rin siya tinitingnan para kunwari hard to ge ako.
"I'm Elize," tipid ko lang na sagot.
"Ang ganda ng pangalan mo kasing ganda mo," aniya.
"Ohhh!" sabay na sabi nina Shella at Stacy. Kinilig sila sa sinabi ni Dylan. Ako naman parang hindi makapag salita sa sobrang hiya ramdam ko na biglang uminit ang mukha ko.
Umupo si Dylan sa may tabi ko. Ang dalawang girls ayun sumasayaw para daw may privacy kami nitong si Dylan. Kahit na mahilig ako sa lalaki ay hindi ko ugaling mag first move para makuha sila. If they want me, gumawa sila ng paraan.
"Ang tahimik mo naman kanina pa kita kinakausap pero tanging ngiti at tango lang ang sagot mo sa akin," aniya.
"Hindi kasi ako sanay makipag-usap sa mga taong hindi ko naman gaanong kilala." Ngumiti na naman ako sa kanya. Kailangan ko magpakipot para kuno magmukhang Maria. Tsk! May Maria ba sa bar?
"Ang ganda mo talaga kapag nakangiti, by the way may boyfriend kana ba?" tanong nito.
"Wow, marami naman na pweding itanong diyan ah iyan pa talaga ang inuna mo?!" sabi ko sa kanya.
Napatawa naman siya. "Gusto ko lang makasigurado mahirap na baka may biglang sumugod dito sa akin at bubugbugin ako dahil nilapitan ko ang mala anghel niyang girlfriend," aniya.
"Alam mo ikaw, i like your sense of humor. Napaka palabiro mo ano, 'yan talaga ang mga gusto ko sa lalaki eh!" mariin kong sabi.
Napatitig siya sa akin pagkatapos kong magsalita. "So, maaari mo rin akong magustuhan?" tanong nito at ngumisi ng nakakaakit.
"Why not?!" Inilapit ko ang aking bibig sa tenga niya. "Basta walang sabit!" dagdag ko pa. Inilapit ko ang aking legs sa paa niya, hinawakan niya ito at pinisil na tila nanggigigil. Nagkagat labi ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko na ipagkakaila na gusto ko ang taong 'to. Gusto ko ang tindig ng kanyang katawan, killer smile siya at sa tingin ko malaki din ang kanyang cobra. Ramdam ko ang kanyang mainit na palad at biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo.
"Parang nagkakamabutihan na kayo ah! Ang saya naman," sabi ni Stacy.
Tinabig ko ang kamay ni Dylan ngumiti kay Stacy, napaka wrong timing talaga niya lagi. Kung saan masarap na ang kwentuhan namin tsaka rin siya biglang sumusulpot.
"Ano ang pinag-uusapan niyo? Pwedi bang malaman?" sabi naman ni Shella.
"Ahmmm...we're talking about his family background, napag-alaman ko na si Dylan pala ay..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang sumabat ito.
"I'm a model," sagot nito.
"Y-yeah, he is a model!" sabi ko naman.
Alam na naman ng mga kaibigan ko ang aking gawain, actually kaming tatlo ay pare-parehos. Nakikisakay lang sila sa sinasabi ko para hindi kami mahalata ni Dylan na hindi kami matino talaga.
I liked flirting with man dahil pakiramdam ko iyon ang bumubuhay sa aking mga kaugatan at dugo.
"Actually, kaya kami tumigil sa pagsasayaw dahil tumawag na 'yung Daddy ko. 30 minutes nalang curfew ko na kaya Elize, umuwi na tayo!" sabi ni Stacy.
"Masyado pang maaga ah ayaw niyo na ba akong kasama?" tanong ni Dylan at nagpout.
Ang sarap niyang kurutin, para siyang bata na humihingi ng candy dahil sa kanyang expression.
"Hindi naman sa ganoon kung gusto mo kunin mo nalang ang number ni Elize para may communication kayo!" sabi naman ni Shella.
Ito ang pinaka gusto ko sa kanya dahil pasimple siyang gumagawa ng paraan kapag alam niyang type ko ang isang lalaki.
"Yeah, sure." Dinukot ni Dylan ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. "Pero okay lang ba sa iyo Elize na kukunin ko ang number mo?" tanong pa ni Dylan.
"Ikaw ang bahala kung gusto mo!" sagot ko lang.
"Ang taray naman niyan kaya mas lalo akong nabibighani sa iyo eh," nakangiting sabi ni Dylan.
Nakita kong pasimpleng nag-apir sina Stacy at Shella at kumindat ako sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ni Dylan at nilagay ang number ko. Pagkatapos kong isulat ay
kaagad kong ibinalik sa kanya. "Here!" Sabay abot ko ng kanyang cellphone.
"Thank you, Elize!" masayang sabi nito. "Sana, magkikita pa tayo ulit. Gusto pa kitang makilala ng sobra, i'm very eager to know you more!" ani nito sa akin.
Ngiti lang ang iginanti ko sa sinabi niya. Tumayo na ako sa aking upuan ngunit biglang naputol ang heels ng sandal ko. Natumba ako kay Dylan kaya bumagsak talaga ako sa kanya.
"Hey, are you okay? Naparami na ata ang inom mo ah!" sabi nito.
"Yes, i'm fine! Natanggal kasi ang heels ng sandal ko pero don't worry i'm okay!" sabi ko sa kanya.
"Sure ka ha, na okay kalang?" Inalalayan niya akong makatayo.
"Thank you!" sabi ko sabay ngiti ng malapad.
Napatingin siya sa cleavage ko kaya yumuko ako para mas lalo pa niya itong makita.