Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin ng umuwi ako sa bahay. Sino pa ba ang gagawa nito sa akin? Syempre ang Daddy ko. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Elize? Sisirain mo na talaga ang buhay mo?!" galit na sigaw niya sa akin. Ang mga luha ko ay nag-uunahan nang tumulo mula sa aking mga mata. "Naninibago kaba kung sisirain ko ang sarili kong buhay, Dad? Ikaw ang unang sumira sa buhay ko dahil diyan sa ugali mo. Hindi mo naman ako anak ah kaya wala kang karapatan na pagbuhatan ako ng kamay!" galit na sigaw ko sa kanya habang umiiyak. "What are you saying?!" Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat ng marinig niya ang sinabi ko. "Hindi mo alam?! Well, hindi mo ako-" "Elize! Anong nangyayari dito? Bakit kayo nagsisigawan?!" Si Mommy sabay hawak niya sa aking braso at piniga iyon. Na

