I want to runaway far from them. Sa buong buhay ko ay kasinungalingan lang pala ang lahat ng meron ako ngayonl. Did my Dad know about this? Ano kaya ang magagawa niya kay Mommy kapag malaman nitong hindi niya ako tunay na anak? Sa sobrang emotional ko ay hindi ko napansin na pinadpad ako ng aking mga paa patungo sa condo ni Dylan. Dire-diretso akong pumasok sa loob pero sinalubong ako ng mga katulong. "Ma'am, nandiyan na po si Sir-" Hindi na nito natuloy ang kanyang sasabihin ng mapansin niyang umiiyak ako. Kaagad kong pinahid ang aking mga luha at dumiretso sa loob ng kwarto na tila walang nangyari. "Hi, kamusta ang shopping mo...oh bakit wala kang dala? Hindi ba enough ang perang ibinilin ko sa'yo? Next time dadagdagan ko nalang-" Hindi ko na siyq pinatapos na magsalita pa at niyaka

