Habang nasa kotse ay hindi ako kinakauspa ni Daddy. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan kaya napapakapit ako sa aking upuan. After a few minutes ay nasa mansyon na rin kami. Malakas kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at pabagsak itong isinara. Si Daddy ganoon din ang ginawa. Nauna siyang pumasok sa loob at ako naman ay nakasunod lang sa kanyang likuran.
Hindi ko inaasahan na mapapauwi ako dito sa bahay ng wala sa oras.
"Arthur i've been waiting for you-"
Napatingin si Mommy sa akin. "Hija? Salamat at nakauwi kana!" Niyakap ako ni Mommy. "Ano, sinundo kaba ng Daddy mo?" Bumaling siya ng tingin kay Daddy. "Thank you Arthur, sinasabi ko na nga ba na hindi mo matitiis ang anak mo! Tsaka nga pala kamusta ang meeting mo?" si Mommy.
Hindi nakasagot si Daddy sa kanya at lumakad paakyat ng hagdan.
Kinalas ko ang mga kamay ni Mommy na nakayakap sa akin. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang nangyari sa meeting mo Dad? Wala bang karapatan si Mommy na malaman ang mga nangyari?!" sabi ko.
Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"What's going on?!" Nakakunot ang noo Mommy habang nakatingin kay Daddy.
Halatang walang alam si Mommy sa ginagawa ng Dad ko sa kanya ngayon. My poor Mom, ayaw ko siyang masaktan pero ayaw ko din naman na patuloy lang siyang uutuin ng Dad ko.
"I saw him Mom..." Lumunok muna ako ng laway. "sa Mall at kasama ang kabit niya," sabi ko.
Nagtaka ako kay Mommy, hindi manlang ito nagulat at walang ekspresyon na makikita sa kanyang mukha.
"Your Mom knew everything Elize," si Daddy.
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala.
"Elize, problema namin ito ng Daddy mo kaya pwedi ba huwag ka ng mangialam anak? Mag-aral ka nalang," mahinang sabi sa akin ni Mommy.
"Pinahiya niya sa Mall si Vangie, pangaralan mo 'yang anak mo ha! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko!" Idinuro pa ako ni Daddy at muling lumakad paakyat sa hagdan.
Halos hindi ako makapag salita. Ang daming katanungan sa aking isipan pero hindi ko alam kung saan ako magsisismulang magtanong kay Mommy.
"Come here, doon tayo sa pool mag-usap!" Hinawakan ako ni Mommy sa kamay habang naglalakad. "Manang, dalhan mo kami ng red wine sa pool!" tawag niya pa sa katulong namin.
"Mom!" mahinang sambit ko.
"Sit down!" aniya ng makarating na kami sa gilid ng pool. "I know na naguguluhan kapa hija, pero wala na tayong magagawa. If that's makes your Dad happy then let him be!" sabi nito.
"Mom, a-ano ang sinasabi mo? Alam mo pala na hanggang ngayon sila pa ng kabit niya? Oh no! Itinago mo pa sa akin?!" Hindi ko akalain na isang dekada na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay si Daddy pa rin at ang babaeng iyon. Ni wala manlang akong makita na pain sa mga mata ni Mommy hindi kagaya dati.
Napatawa nalang si Mommy sa akin. "Para ano na sasabihin ko pa sa'yo? Para masaktan ka? Anak, you know kung ano ang ipinagdaanan kong sakit at hinagpis ng malaman ko na may kabit ang Daddy mo pero wala akong magagawa! Siya ang bumubuhay sa akin, sa ating dalawa. Ayaw ko na maapektuhan ka kung anuman ang magiging desisyon ko," paliwanag naman nito.
Maya-maya pa nakita ko ang katulong na papalapit sa amin at may dalang red wine. Kaagad na kinuha iyon ni Mommy sa kanya at pinaalis ang katulong. Naglagay siya ng kalahating red wine sa baso at itinungga iyon ng isang beses lang.
Alam ko na nasasaktan siya pero ayaw niya lang sabihin sa akin.
"Mom, hindi na pagmamahal 'yan kundi katangahan na. Tinotolerate mo ang maling gawain niya! Bakit hindi mo siya pakasuhan? Makukulong sila ng kabit niya!" sabi ko naman.
"Tapos ano ang mangyayari? Paano ang anak nila?" si Mommy.
Napatayo ako sa inuupuan kong silya. "What?! Bakit ba sobra ang pag_alaa mo sa anak nila?!" Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Kumuyom ako ng aking kamao at naiyak nalang. Mom is a good person kaya hindi ako nagtataka kung bakit ang bait niya. "Oh no! I don't believe this! Mom, kaya ka nila inaabuso dahil mabait ka!" Napahawak ako sa sarili kong ulo sa sobrang inis.
"Elize, makinig ka sa akin!" Hinawakan niya ako sa aking mukha. "Listen to me hija, kailangan mo maging malapit sa Daddy mo para pagmanahan ka niya! Sundin mo lahat ng gusto niya anak, huwag na hiwag mo siyang sasawayin. This is for your own good!" ani ni Mommy. I know she loved me very much pero itong sinabi niya ay hindi ko gets. Hindi ko rin gets kung bakit siya nagtiis at binalewala ang mga pinaggagawa ni Daddy.
"Mom, hindi mahalaga sa akin ng mana. Ang mahalaga sa akin ay ikaw! Kahit pilit mong itago alam ko na nasasaktan ka! Bakit mo ito ginagawa sa sarili mo? Bakit hinahayaan mo lang sila na maging masaya habang ikaw ay nagsusuffer ng pain?" Niyakap ko si Mommy ng mahigpit. I know she needs a hug right now.
Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking likuran at tinapik tapik iyon.
"You really want to know why?" pabulong nitong sabi sa tenga ko.
Kumalas ako sa kanya at tiningnan siya sa kanyang mga mata. I see a tears in her eyes. Kunting-kunti nalang ay babagsak na amg mga iyon.
"Tell me, Mom! Why you let this happened? Bakit hinahayaan mong under-in ka ni Daddy? Alam ko na may magagawa ka pero you are still quiet. You are a legal wife, Mom! May magagawa ka kung gugustuhin mo!" sabi ko naman sa kanya. Kung kinakailangan na sulsulan ko si Mommy na kasuhan si Daddy ay gagawin ko. My Mom did not deserve this. She try her best to be good wife pero hindi iyon enough kay Dad. Matigas man ang ulo ko pero lahat ng mga sinasabi sa akin ni Mommy ay sinusunod ko. Kay Daddy lang ako naiinis, sa kanya lang ako galit. Hindi kaya ng konsensiya ko na makikita si Mommy na nasasaktan dahil lang kay Daddy.
"Elize, Arthur is not your..." Bumubagsak ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Napakunot ako ng noo at sinabayan si Mommy ng pag-iyak.
"W-what did you say?!" nauutal na tanong ko sa kanya.
"He's not your father Elize...i am so sorry!" aniya sabay hagulgol ng pag-iyak.
Para akong nabagsakan ng langit. Napabagsak ako sa lupa ng hindi inaasahan. Pakiramdam ko biglang nanginig ang aking mga tuhod at nawalan iyon ng lakas.
"I was 18 nang mabuntis ako. Hindi ko alam kung sino ang Ama mo dahil sa kalasingan ko sa Bar noon. Ang naaalala ko lang there's a guy na lumapit sa akin at we make love. Hindi ko inaasahan na mabuntis ako Elize, that's i decide na pakasalan nalang si Arthur para may kilalanin kang Ama," si Mommy.
Hindi na ako sumagot pa at umiiyak nalang na walang boses. Mas lalo akong nag doubt sa sarili ko. Dad's always called me that i am stupid. Na bakit daw hindi ko minana ang katalinohan niya, 'yun pala hindi kami mag-ama.
"Mom, i love you so much! B-but, how dare you para isekreto sa akin ito? How dare you to lie to me?! I hate you!" Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng bahay.