CHAPTER 5.THE CO-INCIDENCE

1273 Words
Feeling Señorita ako dito sa condo ni Dylan. Actually hindi na nga condo ang tingin ko dito dahil bukod sa malawak at malaki ang lugar na ito mayroon pang mga katulong na nagsisilbi sa akin. May mga katulong din naman kami sa bahay iyon nga lang hindi nila ako pinagsisilbihan dahil sabutos ni Daddy. Sobrang sakit ng ulo ko kanina nang magising ako kaya napatungo ako sa reef para kumuha ng malamig na tubig. Muli akong bumalik sa pagkakahiga sa kama dahip tpos na rin akong kumain. I see my phone on the table at kaagad ko itong kinuha to call my Mom. "H-hello Elize, thanks God dahil tumawag ka! Where are you? Are you okay?!" Halata sa boses nito ang pag-aalala niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya at nanatili lang na nakikinig. "Elize, are you still there? Where are you hija? Susunduin kita!" aniya. "No need, Mom, i am okay. Huwag kang mag-alala sa akin. Kaya lang naman ako napatawag para ipaalam sa'yo na okay ako," sabi ko naman. "Pero-" Hindi ko na siya pinatapos na magsalita at pinatay ko na ang phone ko. Patapon ko itong inilagay sa itaas ng kama ni Dylan at pabagsak na humiga. May narinig akong kumatok mula sa pintuan nang kwarto kaya napabalikwas ako ng bangon. "Magandang umaga po Ma'am, may iniwan po palang pera si Sir Dylan sa akin. Ang sabi niya ibigay ko daw po ito sa'yo." Inabot sa akin ng katulong ang perang hawak nito. Nagningning ang aking mga mata ng makita ko iyon kaya pahablot ko itong kinuha sa kanyang mga kamay. Halatang nagulat pa ang katulong sa akin. "S-salamat! By the way, saan siya nagpunta? Maaga pa ba siyang umalis?" sunod-sunod kong tanong. "Opo, nasa opisina siya ngayon," ani ng katulong. "Okay, you can leave now!" Sumenyas pa ako ng kamay para lumabas siya. Kaagad naman siyang sumunod. Binilang ko ang pera na hawak ko at nasa 50 thousand pesos ito. "Tsk, i'm so lucky. Sa tingin ni Daddy hindi ko kayang buhayin ang sarili ko. Well, i used my brain," sabi ko sa aking sarili sabay ngisi ng nakakaloko. Nagshower ako at kumuha ng damit na nasa loob ng maleta ko. Mabuti nalang talaga at okay kay Dylan na manatili ako dito. Kagabi ng dumating kami wala pa kahit isang katulong dito pero pakiramdam ko sobrang specila ko kay Dylan dahil ngayon may mga katulong na. Pinatuyo ko ang aking buhok at kinuha ang terno kong panty at bra na kulay brown. Tapos pumili ako ng sexy kong damit para maisuot sa lakad ko ngayon. I put a red lipstick on my lips at kaunting blush on. Hindi ko na kailangan mag make-up ng sobra para gumanda. I am beautiful no matter what kahit magsuot pa ako ng basahan. Pagkatapos kong magbihis ay kaagad na akong umalis. I want to see my bestfriends, sina Stacy at Shella. Nauna akong nagtungo sa bahay nina Stacy. Nagtaxi lang ako at ang bumungad sa akin sa gate ay ang kanyang Daddy. "Hello Ninong, k-kamusta po si Stacy?" nakangiting tanong ko. He did not answering me. Ang sama ng tingin niya sa akin na tila ba sinisisi niya ako sa nangyari. "I'm sorry about what happened. Hindi namin gusto ang nangyari-" "You are a bad influence with Stacy. Elize, stay away from my daughter!" Galit na galit ang kanyang boses. Ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganito. "W-what?! Ninong, it's not my fault! Aksidente ang nangyari-" "Kaya nga eh! Kapag magkasama kayong dalawa palaging napapahamak ang anak ko! Now, i understand why your father hates you very much! You are a bad luck!" dagdag pa nito. Tila piniga ang puso ko sa aking narinig. Ninong Cardo is a nice person and i didn't expect na sisigawan at pagagalitan niya ako ngayon. Napaluha ako sa kanyang harapan. "I'm sorry kung naging bad influence ako sa anak niyo. Sorry!" sabi ko pa at humagulgol sa iyak. "Tigilan mo ako sa kadramahan mo, Elize. From now on, your not welcome here anymore! Huwag na huwag ka ng pumunta dito sa bahay!" Sabi nito sabay talikod sa akin at binagsak ang pagsara ng gate. Wala na akong nagawa at tumalikod nalang din. Pakiramdam ko napaka walang kwenta ko dahil lumalayo sa akin ang mga tao. Bakit? Ano ba ang maling nagawa ko? As far as i know, si Daddy ang dapat sisihin kung bakit ako nagkakaganito. It's all his fault! Sinira niya ako, sinira niya ang Pamilya namin. Kaya lang naman buo kami hanggang ngayon dahil sa ayaw ni Mommy na mapahiya ako at dahil sa mahal talaga siya ni Mommy. May balak pa sana akong pumunta kina Shella pero hindi ko na itinuloy. Natatakot ako na baka pagkadating ko doon ay iyon din ang sasabihin ni Ninong Edi at Ninang Sabel sa akin. Dumiretso nalang ako ng Mall para makapag shopping ng mag-isa. Pagkarating ko ay kaagad akong namili ng mga damit na sexy para maisuot ko kung sakaling magdi-dinner kami ni Dylan. "Hon, which one do you like?!" Parang familiar ang boses na narinig ko mula sa aking likuran. Parang...parang boses ni Daddy. "Anything that you like. Lahat ng taste mo gusto ko!" ani ng isang babae. Dahan-dahan akong lumingon at sumilip mula sa mga damit na nakatabon para maconfirm kung siya nga. Nanlaki ang aking mga mata. My tears burst down at naninikip ang aking dibdib. Hindi nga ako nagkakakmali si Daddy nga iyon at kasama niya ang kanyang Mistress. Padabog akong lumapit sa kinaroroonan nila. "Dad, i thought si Mom ang kasama mo?! I am so dissappointed kasi si Mommy hindi mo nga magawang ipag shopping pero itong kabit mo..." Itinuro ko pa sa magmumukha ang kanyang kabit habang tumutulo ang aking mga luha. "Pero itong kabit mo malayang makapili ng damit na gusto niya!" sigaw ko. "E-Elize!" Mahinahon na saway sa akin ni Daddy. "What?! Bakit nahihiya ka?!" sabi ko pa. "Arthur, i need to go!" ani ng babae sabay lakad paalis pero pinigilan ko siya. Hinarang ko siya sa kanyang dinadaanan. "Where do you think you're going? Pamilyadong tao nilalandi mo?! Wala ka na ba talagang respeto sa sarili mo? Mukha ka namang disente pero saksakan ng kabobohan! Did you know kung gaano ka nasasaktan ang Mom ko because of you?!" Nilakasan ko pa ang pagsigaw para makuha ang atensiyon ng mga tao na naroon sa Mall. Si Daddy tulala lamg habang nakatingin sa akin dahil hindi niya inaasahan ito. "Dad, you promised me na hanggang kailan ay hindi kana makikipag kita sa babaeng ito! You promised mo! Tapos ano 'to ngayon? Hanggang ngayon you are still lying with us?!" Hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko sa kanila. I don't care kung ano ang sasabihin ng ibang tao. I want to express my emotion right now. Lumapit sa akin si Daddy para hilahin ako palayo sa babae niya. "Let's go home! Sa bahay tayo mag-usap!" galit na sabi ni Daay sa akin sabay piga sa braso ko. Napangiwi ako sa sakit. "You're hurting me, let me go!" Malakas kong winaksi ang kanyang kamay. "Ladies and Gentleman, may i have your attension please! This woman is my Dad's Mistress!" Sigaw ko sabay turo sa babaeng iyon. Napatakip ng kanyang pagmumukha ang babae dahil sa sobrang hiya. Kitang-kita ko rin ang reaksyon ng mga tao na nasa paligid namin. All of them was so shocked. "Shut up Elize! Tigilan mo na 'yang kahibangan mo! Let's go home!" Muli akong hinila ni Daddy ng malakas and this time ay hindi na ako nakapalag pa sa kanya. I saw the anger in his eyes at kahit anong oras ay kaya niya akong bugbugin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD