ADONIS Mabilis ang aking mga pagtakbo habang hinahabol nila ako ng putok ng baril. Napakasukal ng gubat na iyon ngunit hindi ko alintana. Ang gusto ko lang ay makalabas ng buhay. “Habulin ninyo! bilis!” sigaw ng isa sa mga tumutugis sa akin sabay putok ng baril. Hawak ko ang baril ko sa kanan dahil sugatan na ang kaliwa kong braso. Ang akala ko ay daplis lang ngunit hindi, napuruhan talaga ako. Kasabay ng mga putok ng baril nila ang pagkulog at pagkidlat. Nagbabadya ang malakas na ulan at maya-maya lang ay bumagsak na nga iyon at diniligan ang lupa. “Wag ninyong hahayaang makatakas!” Mas lalong naging madulas ang daanan ngunit kailangan kong tumakas at tumakbo palayo sa mga kaaway. Nagsunud-sunod pa ang pagputok nila ng baril kung kaya't napayuko ako habang tumatakbo. Damn i

