ADONIS Nakalipas ang isang buwan. Wala akong narinig na kahit anong balita sa kahit sino sa mga naiwan ko sa Pinas. Hindi na nag-report sa akin si Mat-Mat. Maging si Jhondo, at mas lalong wala akong balita kay Cynthia at Atasha. Umuwi ako sa Mansyon ng tahimik. Gabi na ako nakauwi, mga 9:00 p.m na. “Atasha?! Where are my girls?! Cynthia?!” sigaw ko ngunit walang sumalubong sa akin. Nagpalinga-linga ako sa buong Mansyon. Maging si Michael ay wala. Maya-maya ay nakita kong may lumakad papunta sa kusina at pagtingin ko ay ang kasambahay naming si Lina. “Lina, si ma’am Cynthia mo?” “Sir, nakabalik na ho pala kayo! Gusto niyo ho ba kumain? Baka natutulog pa po si maam Cynthia.” “No thanks. Kumain na ako. Si Atasha, nasaan?” tanong ko ngunit tila umuurong ang dila ni Lina at hindi

