ATASHA Gaya ng sinabi ni sir Wade ay ginamit ko ang perang binigay niya pambili ng mga kailangan ko. Mga damit, toiletries. Ilang personal na gamit at iba pa. Bumili lang din ako ng murang android phone para may magagamit ako. Kumausap na rin ako ng OB sa pinakamalapit na lying-in Clinic na nahanap ko. Maayos naman doon at kalidad ang pag-aasikaso nila kung kaya’t doon ko na napagdesisyunan na manganak. Isang sakay lang iyon ng taxi malapit sa Gentleman Hotel. Ngayon ay sinamahan ako ni Sir Wade sa Mall ni Daddy Adonis. “Hindi mo ba alam kung sino ako?! E mga gago pala kayo e!” singhal ni Sir Wade sa mga guard sa labas ng penthouse. “Sir Wade, pasensya na po, si Sir Adonis lang po talaga ang pwedeng pumasok dito, mahigpit na bilin niya po.” “Pero nandito nga si Atasha, ang stepdau

