ADONIS Nang makarating kami sa Mansyon ng mga Borromeo ay doon ko nalaman kung gaano ka-yaman ang tunay na pamilya ni Atasha. Sila yung mga tipong pwedeng gawan ng kidnap for ransom sa sobrang rangya ng lugar na ito. But damn it, why am I even thinking about that?! pull yourself together Adonis! hindi nila pwedeng malaman na miyembro ka ng sindikato. Sinabi rin ni Atasha, you can't mess up this time. Nang bumukas ang malaking gate ay ipinasok ko na ang kotse ko at saka kami bumaba. Sa pinto ng mansyon, nag-aabang sa amin si Mrs. Borromeo… and damn, she looks like Atasha but older version. Ngayon alam ko na kung saan talaga nakuha ni Atasha ang kagandahan niya. Nang makalapit kami ay ipinakilala ako ni Atasha. “Mommy, this is Mr. Adonis Salcedo, he is Adam’s biological father.

