ADONIS Nang matapos ang lunch namin ay sinabi ni Mrs. Borromeo kay Atasha na ipasyal ako dito sa Mansyon nila kung kaya’t nandito kami ngayon sa may garden. Alam kong labag sa loob ni Atasha ang lahat ng nangyari kanina ngunit iyon talaga ang plano ko. Ang hingin ang kamay niya para sa isang kasal. Hindi naman ako bastos para basta-basta na lang siyang kunin sa magulang niya kahit pa may anak na kami. “Bakit mo sinabi kay mommy na magpapakasal tayo?!” “Atasha, iyon naman talaga ang plano natin una pa lang at saka nandyan man o wala si Adam, hindi magbabago ang isip ko sayo. Papakasalan pa rin kita.” “You agreed, kanina… diba nag-usap na tayo?” “Pumayag lang ako para tumigil ka na kanina, pwede ba, Atasha? hayaan mo na lang akong dumiskarte? Parang wala ka namang tiwala sa akin niyan

