ATASHA Pagkatapos ng pag-uusap namin nila Sir Wade ay kaagad na akong pumara ng taxi. “Bilyonarya ka na kuno tapos wala kang kotse? tss…” saad ni Adonis na nasa likod ko. “Pwede ba? wala kang pakialam!” “Wag ka na pumara dyan ng taxi, halika na. Ihahatid kita sa inyo.” kinuha niya ang kamay ko at wala naman akong nagawa kundi magpatianod na lang. Ano pa nga ba?! pag nagpumiglas ako baka kung ano na naman ang gawin sa akin ng walang hiyang lalaking ‘to! Sumakay na lang ako sa passenger seat habang siya ay nasa driver's seat ngunit napansin ko na bago ang kotse niya at may plastic pa ang mga upuan lalo na ang backseat. “Kamusta naman doon sa mga Borromeo? did they treat you and Adam well?” tanong niya na sinimulan ng magmaneho. “Oo, sobrang babait nila, Adonis. Masaya din doon

