ATASHA Ngayon ay nandito ako sa jewelry shop ko dahil kailangan kong asikasuhin ang sales nito ngayong buwan. Nagsisimula pa lang ako sa negosyo kung kaya’t masasabi kong hindi pa ito gaanong mabenta ngunit may mga ilan-ilan na ring nagtitiwala sa kalidad ng mga jewelries ko. Bukod sa unique designs ay talagang siniguro kong naghire ako ng mga taga-gawa upang gawing matibay bawat alahas na tinitinda namin. Katulad na lang ng suot kong locket necklace ngayon. Ang problema kasi ni daddy noon ay palaging nasisira ang chain nito kaya kailangan niya pang ipagawa kaya ngayon ay mas pinatibay na chains ang ginamit ko sa mga necklaces na paninda ko. Nagpe-personalized din kami ng mga locket na kagaya ng katulad sa akin upang hindi na sila mahirapan sa paglagay ng pictures ng mga mahal nila

