bc

Before Twilight- (Bela Kanoa Rasgild)

book_age18+
65
FOLLOW
1K
READ
revenge
dominant
kickass heroine
versatile
mafia
bxg
serious
realistic earth
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Bela Kanoa Story

Soonnnnnnnn

soooooonnn

sooooonnnn

soooooonn

soon

soon

soon

soon

soon

erotic

erotic

mafia

mafia

gdhdjdk djdjdkkd djj hsjjs gs ihsjks hdjsk udjs ygsjs usjs jsjs uwjwkbuwjwbhsks hsjsj sjjs

chap-preview
Free preview
Prologue
The first time I saw him, I know there’s something inside me that should be fulfilled. He’s haunting me almost every night. I like his hair and his smile. Minsan ko lang nakikita pero nagbibigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa ‘kin. Kumakalma ako at para bang pinapabagal ang takbo ng oras. Lalo akong nahuhulog sa kaniya dahil mabait siya. Kung gaano kasama ang ugali ko ay siya namang bait niya. Alam kong kikuwestiyunin ng mundo ang kagustuhan kong makasama siya. Hindi ang isang tulad ko ang nababagay sa kaniya. But I am not a Rasgild for nothing. Pinalaki ako ng ama kong nakukuha ang mga bagay na imposible. May mga paraan ako para mapasaakin ang mga bagay kahit pa mahirap iyong abutin. I am Bela Kanoa Rasgild, and I love the greenest flag of Adan, Kione Zhang. …………………………… Naglalakad ako sa mahabang pasilyo ng University kasama ang kaibigan kong si Alice. The freaking Alice who raped my twin brother Kaliq. I don’t like her, but do I have a choice? Walang gustong kaibiganin ang isang tulad ko. Sa pamimilit niya sa ‘kin kinaibigan ko na lang. “Girl, alam mo ba may exchange student from Korea sa fourth-year, actually dalawa sila pero iyong isa, new student talaga ng university at Chinese. Parehong chikoy at guwapo. Parang mga oppa,” wika niya. Pinalobo ko ang bubble gum ko at tinaasan siya ng kilay. “Mukha ba akong may pakialam ha?” sagot ko. Tinampal niya naman ako sa balikat. Ang sakit. “Ano ba?” “Sinasabi ko lang, second year na tayo wala ka pa ring boyfriend. Lahat yata ng pinakilala ko sa ‘yo hindi mo bet eh,” reklamo niya. Natigilan naman ako at napapikit. Naalala ko na naman ang nangyari sa ’kin kamakailan. “Bwesit ka! Akala mo siguro nakalimutan ko na ang ginawa ng lalaking pina-blind date mo sa ‘kin. Kapag nakita ko ulit iyon sasapakin ko talaga. Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko walang hiya ka,” galit kong saad. “Bakit? Ano ba kasi ang nangyari ha?” Inis na tiningnan ko naman siya. “Nagkita kami sa labas ng campus gaya ng sabi mo. Akala ko dadalhin niya ako sa café or sa restaurant or cinema. But that freak brought me to a seal group. Forgive me Lord. Pina-lead ako ng prayer. Oh God! Naiisip ko pa lang pakiramdam ko tinutunaw na naman ako sa hiya. I don’t even know how to do the sign of the cross,” saad ko. Tawang-tawa naman siya. Kung hindi ko lang siya kaibigan ititikom ko ang bibig niya forever and ever. “Baka iyon na ang sign mo girl para magbalik-loob. Baka nakita niyang sobrang itim na ng budhi mo,” wika niya. Mabilis na binatukan ko naman siya. “You don’t know how much I want to escape. Every time na susubukan kong magpalusot para makaalis nakokonsensiya ako. They even plan to go sa bahay. I swear, that man will borrow his face sa aso kapag nakita ko siya ulit,” gigil kong saad. Para naman siyang kinikiliti sa sinabi ko. “I can still remember how disgusted they were sa suot ko. I f*****g wore my latest prada co-ords. How can they? Palibhasa hindi nila alam kung ano ang fashion. Hindi ko naman alam na seal group ang pupuntahan ko mga leche sila. Nabubuhay na naman ang galit ko ugh!” “Hahaha! Gagi, nag-outfit check ka pa nu’n eh. Kumusta naman ang boots mo?” aniya. I snarled at her. Nakakainis siya. “Hindi na ako pupunta sa susunod. You owe me, Alice. Kung hindi lang letse sa buhay ko si, Kaliq hindi kita kakaibiganin. I am taking advantage of your situation, lalo at gusto mo ang olopong na ‘yon.” Inirapan naman niya ako. “Duh! I am your best friend hello? You can take advantage of me whatever you want as if I don’t know you, okay?” wika niya at tumawa na naman. “Alice!” Sabay na napatingin kami sa gilid nang tawagin siya ng mga kasama niya sa tennis. Bumusangot naman siya. “I’m so glad they called me. Nabo-bore na akong kasama ka,” aniya. Kinaltukan ko nga. Humalakhak naman siya. “Love you sis! Hayaan mo basta hindi ka pa nilibre ng kape galing lamay maghahanap pa rin ako ng puwede mong i-date, okay? T’saka magpakabait ka, hindi yata umobra ang seal group niyo sa ‘yo eh. Gawan natin part two, matutuwa si, Tita Sari,” aniya. “f**k you!” sigaw ko. “Love you too!” sigaw niya. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kaniya. Kahit kailan talaga puro kalokohan lang ang alam niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang makita ang lalaki sa hindi kalayuan. Nakaupo sa gilid at kumakain ng burger. Hinati niya pa iyon at ibinigay sa pusa. May suot siyang specs at sa kabilang balikat ay ang kaniyang back pack. Kumunot ang aking noo at nilapitan siya. Si, Kuriring pala ang katabi niya. Stray cat ng university. Nag-meow naman ito nang makita ako. Napangiti ako at kaagad na hinawakan ang ulo nito. Tiningnan ko ang lalaki at hindi ko pa masiyadong maaninag dahil sa silaw ng araw. Ilang saglit pa ay nakatingin din pala siya sa ‘kin. Kaagad na natigilan ako nang matitigan siya. Ang guwapo niya. Singkit ang mata, matangos ang ilong, sobrang puti at kinis. Ang hahaba pa ng legs niya at payat siya. Ang linis at mukhang mabango. Para nga itong oppa, Chinese version. Ngumiti naman siya sa ‘kin kaya natauhan ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tiningnan si Kuriring. “Is this yours?” tanong niya. Tinutukoy niya si Kuriring. “No,” tipid kong sagot at binuhat ang pusa. “Kung sino-sino na naman ang nagbigay ng food sa ‘yo. Gutom ka na naman ba?” I stated. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang cat food. Binili ko talaga ‘to for her. Hindi ko kasi siya madala sa bahay dahil allergic si Kaliq. Tiningnan ko naman siya na tahimik lang na ngumunguya ng kaniyang burger tapos uminom ng tubig sa thumblr niya. “Sa susunod huwag mong hatian ng pagkain mo ang pusa. Dapat bilhan mo ng cat food kung naaawa ka,” wika ko at iniwanan na siya. Ang pogi ng lintik!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook