bc

Ang Huling Harana, music of affection

book_age18+
57
FOLLOW
1K
READ
second chance
drama
sweet
female lead
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Bea Marie Rosales - Coming from a Simple but joyful family.

She grew up with fear and faith in God but her outlook on life changed because of the trials that came into her.

She loves to dance to the music of life, but fortune did not agree with her.

Would she continue dancing if the tune she wished for if the music came out to be promptly and challenging and out into a supposed move?

A weak and simple woman became fearless, strong, and resilient.

chap-preview
Free preview
Hinagpis at kahirapan
Bata pa lamang si Bea ay mahilig na sya sa musika.. Kahit ang musika ay walang hilig sa kaniya ay patuloy parin siya sa ambisyong isang araw magiging ganap siyang kasapi ng banda kahit na gitarista lang. Dahil 'di talaga siya pinagpala ng magandang boses. "Oy Bea, may practice tayo mamaya ha, wag kang mawawala." Sabi ng isa sa mga classmates niya habang nananghalian sila sa may cafeteria. "Oo' naman, me pa ba?" Masaya at pakemeng sagot niya. First year high School pa lang siya at kasali siya sa banda ng music club nang school nila. Buti na lang at may katungkulan dito ang pinsan niyang mas nakakatanda sa kaniya kaya naman naka pasok siya sa music club kahit freshmen pa siya. Dahil sa galing niya sa paghawak ng gitara at bawat pitik nito ay nasasabayan ang tamang tono ng musika ay napapabilang siya sa mga estudyanteng nasa entablado na nag pe-perform 'pag may event sa school. Masayang masaya si Bea ng araw na 'yon dahil maaga palang kinausap na s'ya ng Prisedente ng music club na kasama siya sa mga member na ilalahok sa kabilang school sa darating na linggo para sa patimpalak na gagawin sa music and art. Pagkatapos ng klase nila ay dumeretso na siya sa stage dahil doon sila magpa-practice. At masaya niyang ibabalita sa mga magulang niya ang balitang 'yon. "Sigurado magiging masaya si papa dahil pangarap namin to." Saisip niya.. Suportado kasi siya ng kaniyang ama. Ngunit sa 'di inaasahan, ang masaya sanang balita ni Bea ay napalitan ng lungkot at nakaka panghinang balita ng kaniyang ina. "Ma, Pa' nandito na po ako,"sabik at masayang bungad niya pag pasok pa lang ng bahay. "Bat' ang tahimik, asan sila?" Tanong niya sa isip. Naupo siya sa sala at nilapag ang kaniyang dala-dalang gamit pati ang gitara na regalo pa ng kaniyang papa noong 13th birthday niya. Lumabas ang kaniyang mama sa kuwarto na namamaga ang mata na tila galing sa pag-iyak! 'Di agad siya nakakibo dahil unang tingin pa lang niya alam niyang may problema! "Ma' bakit po?" Kuryusong tanong niya. "Anak' mag-usap tayo, may kailangan kang malaman tungkol sa papa mo, at dahil panganay ka nararapat na malaman mo ito." Mangiyak-ngiyak na turan ng ina. "Ho? Bakit ma? anong tungkol kay papa? Iniwan niya tayo? May babae siya? Sinaktan niya kayo? Ano ma, huh?" Sunod sunod na tanong niya. "Hindi anak, wala sa mga nabanggit mo," iling iling ng kaniyang ina na lumuluha na. "Ang mo ang bait ng papa mo' at alam mong 'di niya kayang gawin 'yan sa 'tin anak diba? Pero anak.. umuwi lang ako dito para sabihin sa'yo to at ihabilin ang mga kapatid mo sa iyo lalo na si bunso na limang buwan pa lamang." Sabi ng ina nito sa garalgal na boses. "Nasa hospital ang papa mo anak. Sinugod namin kanina dahil hinimatay at halos hindi makahinga. Napag alaman namin kani kanina lang na may sakit ang papa mo." Buntong hininga ng kaniyang ina sabay umagos ang malalaking mga luha nito! "Ma? Ano po ang sakit ni papa?" Deretsahang tanong ni Bea habang umiiyak na rin! "Cancer anak! Stage 3 liver cancer! Matagal na pala may nararamdaman ang papa mo 'di niya lang sinasabi at dahil sa workaholic ang papa mo ay mahina ang immune system niya dahilan kong bakit agad kumalat ang cancer sa katawan niya! Sabi pa ng doctor anak ay di na nila kayang gamutin ang papa mo! ang tanging magagawa na lang ay dugtungan ng kaunti ang buhay niya at bawasan ang hirap na nararamdaman niya!" Paliwanag ng kaniyang ina. Walang maintindihan si Bea sa mga oras na 'yon kundi ang alam lang niya may cancer ang papa niya at stage 3 ang ibig sabihin malapit na itong mawala! Iyak ng iyak si Bea ng mgabras na yun gusto niyang isiping panaginip lang ang lahat, ilang beses pa niya sinampal sampal ang sarili niya para alamin kong gising ba siya at tama hindi siya tulog', Totoo lahat!! Nag lulundag lundag na siya sa iyak na di alam anung gagawin habang ang mama niya ay parang wala sa sarili na umiiyak na rin! Hindi na siya sumali sa music festival.. Buti nalang at marami naman silang gitarista. Hindi na rin siya pumasok buhat nung araw na yon' ni hindi na nga siya nakasali sa pagsusulit pra sa 4rth grading. Pero dahil matalino si Bea at matataas ang marka sa school ay kinonsedera ng kanyang guro at binigyan na lang siya ng special projects, dahil nalaman nila ang kalagayan nito. Di na siya makapunta sa school dahil nagbabantay siya ng 5 buwang bunso nila. Wala silang aasahan dahil malayo ang pamilya ng mama niya sa kanila at ang pamilya ng papa naman niya ay hindi din maganda ang trato sa kanila kaya di man lang sila magawang dalawin ng kamag anak ng papa niya. Isang buwan lang mahigit na nagkasakit ang kanyang ama bago ito tuluyang binawian ng buhay. Bagay na kinapanlumo niya sa murang edad ay naipasa sa kanya ang responsibilidad bilang na maging katuwang ng kanyang ina. "Anak, pinapatawag ka ng papa mo pasok ka muna sa kwarto at gusto ka niyang makausap." Tawag ng mama niya habang naghuhugas siya ng plato. " Sege ma, tapusin ko lang to malapit n matapos." At tumuloy na siya sa silid kong saan halos isang buwan ng nakaratay ang kanyang ama! " Pa' pinapatawag mo daw ako?" Sabay upo niya sa gilid ng kama. " Anak, makinig ka kay papa. Alam ko bata ka pa, pero alam ko din na naiintindihan mo ang nangyayari". Hirap at utal utal na boses ng kanyang ama dahil sa hirap na rin itong makahinga! "Anak bilang panganay alam kong kaya mong tulungan ang mama mo, kayat sana pag wala na ako wag na wag mo siyang pabayaan ha.. Pati mga kapatid mo." "Opo papa". Tanging nasagot ni Bea habang umiiyak ng tahimik. Pilit niyang kinakalma ang sarili dahil ayaw niyang makita ng kanyang amang nahihirapan siya.. Kinahapunan, ng araw ding iyon habang nasa labas ng bahay si Bea ay narinig niyang sumigaw ang kanyang mama mula sa loob kaya agad siyang napatakbo! "Mama' bakit po?" "Anak' ang papa mo! ang papa mo wala na! Iniwan niya na tayo!" Hagulgol na iyak ng kanyang ina!! Di alam ni Bea ang gagawin nag sipasok na rin sa loob ang 2 niyang kapatid Si Andrew na 10 taong gulang at si Mara na 7 taong gulang. Bitbit ni Andrew ang bunso na si Mico na 6 na buwan palang! "Papa' papa!!!!" sigaw iyak ng dalawang kapatid! Ngunit wala na silang magagawa kundi tanggaping wala na ang kanilang ama! Naiyaos ang burol ng kanilang ama kahit na mahirap ay kailangan nilang pakatatag! Sa huling gabi ng burol, Nag gitara pa si Bea sa tabi ng labi kabaong ng kanyang ama habang iyak ng iyak!!! "Papa bumangon ka dyan please... wala ng kakanta sakin pag nag gigitara ako huhuhu!!!!" Iyak ng iyak si Bea hanggang sa halos wala na siyang mailuha!! Nailibing ang kanilang Ama at yun ang pinakamalungkot na tagpo sa buhay ni Bea na kong pwedi palang sana ay mamatay nalang din siya para di niya maramdaman ang sakit!! Ngunit iniisip din niya ang kanyang ina, alam niyang labis din ang paghihinagpis nito kaya kailangan nandiyan siya sa tabi nito! Sobrang hirap ang dinanas nila Bea at ng ina niya matapos mawala ang kanyang ama! Lahat ng trabaho na pwedi niyang gawin makatulong sa mama niya matapos mawala ang ama niya ay nagawa na niya. Wala n kasing natira halos sa naipundar ng papa niya, dahil naisanla ang palayan at naibenta ang kalabaw at baka!!! Siya ang humalili sa sinasaka ng papa niyang palayan. Nagawa niyang mag araro at magtanim ng palay katuwang ang mama niya. Ganun ang kalagayan niya habang nag aaral at nakatapos ng High school. Pagkatapos sa high school di na siya nakapag kolehiyo dahil di na kaya ng mama niya at may tatlo pa siyang kapatid na nag aaral isa sa elementarya at 1 ang hischool at ang bunso nasa daycare na rin. Naging katuwang nalang siya ng mama niya sa bukid. Taong bahay, mambubukid at taga alaga ng kapatid.. Hanggang nakilala niya ang taong akala niya ay magiging sandalan niya. Si Bruce Valdez!!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook