NAGISING si Aria kinabukasan na wala na sa tabi ang asawa niya. Napatingin naman siya sa alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table at nakita niyang limang minuto na lang at mag-a-alas sais na ng umaga. Saglit naman si Aria na nanatili sa kinahihigaan hanggang sa bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa kama. Kailangan pa kasi niyang mag-prepare ng breakfast nila dahil may pasok silang dalawa sa trababo. Dinampot naman niya ang ponytail niya na nakalapag sa ibabaw ng bedside table at saka niya pinusod ang mahabang buhok in a messybun style. Pumasok siya sa banyo para magmumog at maghilamos. At nang matapos ay lumabas na siya do'n at tuloy-tuloy na din siyang lumabas ng kwarto para hanapin kung nasaan ang asawa niya. Napatingin naman siya nang makita niya si Checehe at si Kulog na a

