NAPAPIKIT ng mga mata si Aria ng maramdaman niya ang pagdampi ng halik ng asawa sa noo niya ng dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya. Pagkatapos ay bumaba ang halik nito sa talukap ng kanyang mata. Bumaba pa iyon sa tungki ng ilong niya at sa magkabilang pisngi niya. He showered sweet little kisses all over her face. At ramdam nga niya ang pagmamahal sa bawat paghalik nito sa kanyang mula sa sandaling iyon. At mayamaya ay dumapo ang halik nito sa labi niya. Saglit iyong hindi gumalaw hanggang sa naramdaman niya ang paggalaw niyon sa ibabaw ng labi niya. Naramdaman nga niya ang pagkagat-kagat nito sa ibabang labi niya na para bang tinutukso siya nito. At natukso naman si Aria dahil bumuka ang bibig niya para bigyan ang asawa ng kalayaan na halikan siya nito ng mariin. Pumatong ng

