NAPAHINTO si Aria mula sa paglalakad ng marinig niya ang boses ng asawa na parang may kinakausap, hindi parang may pinapagalitan ito na kung sino. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo. Sila lang naman na dalawa ang nasa loob ng condo niya. Sino naman ang posibleng pinapagalitan nito? May kausap ba ito sa cellphone? At para masagot ni Aria ang tanong sa kanyang isip ay hinanap niya kung nasaan ang asawa hanggang sa natagpuan niya ito sa sala ng condo niya. Nakaupo ito sa sofa. Do'n niya napansin na nasa harap nito si Kulog. At do'n din niya na-realize na walang kausap ang asawa sa cellphone at ang kausap at pinapagalitan nito ay walang iba kundi ang alaga nitong aso na si Kulog. "I don't want your attitude earlier, Kulog. You disturbed what are we doing," kausap ng asawa sa aso

