DUMAKO ang tingin ni Aria sa sahig nang makita niya na nakaabang na do'n si Cheche sa kanya pagkalabas niya ng kwarto ng magising siya kinaumagahan. Routine na talaga nito na mag-abang sa labas ng pintonsa tuwing umaga. Mukhang hinihintay nito ang paglabas niya ng kwarto. Yumuko naman siya para buhatin ang alaga niyang si Cheche na isang Tsih Tzu. Hinaplos din niya ang balahibong buhok nito sa ulo. Mayamaya ay napatingin naman siya sa gilid niya ng tumahol si Kulog--ang asong doberman ni Aiden na pinaalaga nitonsa kakambal nito na si Angelo. At dahil nasa Singapore si Angelo for business conference ay nasa pangangalaga niya ang nasabing aso. Mabait naman si Kulog. Noong una ay nag-aalanganin siya na i-uwi ito sa condo niya baka kasi hindi magkasundo si Kulog at si Cheche. Pero wala n

