NAISIPAN ni Aria na bisitahin si Angelo sa opisina nito ng sandaling iyon. Wala naman kasi siyang masyadong ginagawa sa Pet Clinic niya. Minsan kasi walang customer sa Clinic niya pero may araw din na halos wala silang pahinga dahil sa sobrang dami ng customer. Lalo na kapag madami ang mga nagwa-walk in, pero ngayong araw ay konti lang. At bago pumunta si Aria do'n ay dumaan mo na siya sa isang Drive Thru para bumili ng lunch nito. Sinakto kasi niya na lunch break ang pagpunta niya sa opisina nito para hindi niya ito ma-istorbo sa oras ng trabaho. Ayaw naman kasi niyang ma-istorbo ito para hindi mabinbin ang trabaho nito at para hindi na ito mag-overtime pa. Quarter to twelve nang makarating naman siya sa building ng RAC o Rodrigo Advertising Company. Ipinarada naman niya ng maayos ang

