NAPANGUSO si Aria ng magising siya kinaumagahan ay wala na naman ang asawa sa tabi niya. Mukhang nauna na naman itong nagising at alam niya kung ano ang ginagawa nito. Alam niyang nasa kusina ito at nagpi-prepare na naman ng breakfast nilang dalawa. Sigurado din siyang napapakain na nga din nito sina Kulog at Cheche. Maaga na nga siyang nagigising pero mas maaga pa ito sa kanya. Ganoon kasi ang asawa niya. Kapag nauna itong nagising ay hindi na siya nito gigisingin. He will wake her up kapag luto na ang lahat. Ang tanging gagawin na lang niya ay kakain siya. Kaya kapag tapos na silang kakain ay nagbo-volunteer siya na maghugas ng pinggan. Tuluyan na din naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya. Dumiretso siya sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. At nang matapos siya ay lum

