SUMILAY ang ngiti sa labi ni Aria ng pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang gwapo mukha ng asawa na mahimbing na natutulog sa tabi niya. At dahil siya ang unang nagising ngayong umaga ay nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon para matitigan niya ito. At kahit na tulog ito ay gwapo pa din ito. Mula sa makapal na kilay nito, sa matangos na ilong at sa mamulamulang labi nito. Napatitig naman siya sa bandang panga nito, napansin niyang may tumutubong stubble do'n. At habang nakatingin siya do'n ay parang nakikita niya si Aiden. May stubble kasi ito sa panga. Nalaman din kasi niya iyon kay Angelo na kapag nasa Pilipinas si Aiden ay hindi ito nag-aahit ng stubble para daw hindi daw ito mapagkamalan na si Angelo. Siyempre, magkamukha ang kambal kung hindi magpapakilala ang isa sa

