ISANG araw matapos ang kasal nila ni Angelo ay bumiyahe silang dalawa patungo sa isang private resort sa Pangasinan para sa honeymoon nilang dalawa. Kinagat ni Aria ang ibabang labi ng mapatitig siya sa sariling repleksiyon sa salamin na nasa loob ng banyo sa cottage room na tinutuluyan nilang dalawa. Sa tabi ng seaside ang cottage nila. At habang nakatingin sa sarili ay hindi niya maiwasan ang pamulahan ng mukha habang iniisip ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa ni Angelo. Lalo na at silang dalawa lang do'n at honeymoon pa nilang dalawa. Nagpakawala naman si Aria ng malalim na buntong-hininga. Saglit din siyang nanatili sa loob mg banyo hanggang sa lumabas siya. Pagkalabas ay inilibot naman niya ang tingin sa kabuuan ng cottage na inuukupa nila. Nakita niyang wala do'n ang asawa

