AKMANG hihiga si Aria sa kama niya ng mapatigil siya nang marinig niya ang pagtunog ng message alert ng cellphone niya. Kinuha naman niya iyon mula sa ibabaw ng bedside table. At bahagyang tumaas ang isang kilay niya nang makita na si Angelo ang nagpadala ng text message sa kanya sa sandaling iyon. Agad naman niyang binuksan ang mensahe nito para basahin. Are you still awake, babe? Sa halip naman na reply-an niya ito ay tinawagan niya ang numero nito. Wala pang tatlong ring nang sagutin nito ang tawag niya. Mukhang hawak nito ang cellphone ng tawagan niya ito. "Babe," wika nito sa baritonong boses ng sagutin nito ang tawag niya. "Bakit?" tanong naman niya. Narinig naman niya ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. "I'm sorry if I disturb you. It's just that I can't

