NANG magising si Aria kinabukasan ay wala na si Angelo sa kanyang tabi. Sa halip naman na bumangon ay nanatili siyang nakahiga sa kanyang kama, kinuha din niya ang unan at niyakap niya iyon. Naamoy pa nga niya ang panlalaking amoy ni Angelo na naiwan sa unan. At hindi napigilan ni Aria ang mapakagat ng ibabang labi nang maalala ang eksenang nangyari sa kanilang dalawa ni Angelo. Muntik ng may nangyari sa kanila kung hindi lang ito nakapagpigil. Siguro kung hindi nito na-control ang sarili ay baka naisuko na niya ang sarili nito. Naisip din ni Aria kung bakit kinontrol nito ang sarili kahit na alam niyang nadadala na ito sa ginagawa nila dahil ramdam niya ang katigasan nito ng gabing iyon. Naisip niya na baka inisip ni Angelo ang magulang niya na nasa kabilang kwarto lang. Siguro nire-r

