NAPATINGIN si Aria kay Angelo nang makita niya itong naglakad patungo sa likod ng kotse nito pagkatapos siya nitong pagbuksan ng pinto sa gawi ng passenger seat ng makarating silang dalawa sa Probinsiya nila sa Tarlac. At hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang pagbalik nito palapit sa kanya ay may bitbit na itong mga paperbag. "Ano iyan?" tanong niya ng i-alis niya ang tingin sa hawak nito at inilipat niya iyon sa mukha nito, hindi pa din naman nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya sa sandaling iyon. "Pasalubong ko sa kanila," wika naman ni Angelo kay Aria. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata habang sinasalubong niya ang titig dito. "Huwag kang mag-alala, babe. Mura lang ito," wika naman nito sa kanya. Mukhang nabasa nito kung ano ang nasa isip niya sa sandaling iyon. "So,

