NAPATINGIN si Aria sa hawak na cellphone ng tumunog ang ringtone niyon. Bahagya namang kumunot ang noo niya nang makitang unknown number ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Noong una ay hesitant pa siya na sagutin ang tawag. Inisip kasi niya na baka prank call lang iyon since hindi naman naka-save ang numero nito sa contact niya. Pero sinagot din ni Aria baka kasi kakilala din niya ang tumatawag at baka emergency iyon. "Hello?" wika niya ng sagutin niya ang naturang tawag. "Aria," wika naman ng baritonong boses sa pangalan niya mula sa kabilang linya. Lalo lang naman kumunot ang noo niya ng marinig niya ang boses ng kausap. "Aiden?" banggit niya sa pangalan ng kakambal ni Angelo. Para kasing boses nito ang nagsalita. Saglit naman itong hindi nagsalita mula sa kabilang linya

