Chapter 25

2649 Words

NANG pumailanlang ang tugtog sa loob ng simbahan ay isa-isa nang nagmartsa ang mga kasama sa entourage sa kasal ni Kaileen at ni Kiel. At nang hindi pa naman siya ang susunod na nag-martsa ay iginala niya ang tingin sa paligid para hanapin kung saan naka-pwesto si Angelo. Hanggang sa nakita niya itong nakaupo sa may likod ng simbahan. Mag-isa lang ito do'n na nakaupo. Ewan niya pero nakaramdam siya ng bahagyang lungkot nang makita niya itong nag-iisa do'n. Wala din naman kasi itong masyadong kilala sa mga bisita nina Kaileen at Kiel. Kilala naman nito ang mga kaibigan niya pero lahat ng kaibigan niya ay kasama sa entourage. Hindi kasi kasama si Angelo sa entourage nina Kaileen. Gusto sana itong kuhanin ni Kaileen bilang partner niya pero umayaw ito. Hindi naman na nila ito pinilit. At

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD