Chapter 61

1459 Words

SUMILAY ang ngiti sa labi ni Aria nang pagkababa niya sa kotse ay agad niyang nakita ang Papa niya sa bakuran sa bahay nila. "Pa!" tawag naman niya sa atensiyon ng Papa niya. Napatigil naman ito sa ginagawa. At tumingin sa dereksiyon niya. At nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito nang makita sila. "Aria, anak," wika naman nito. Nakangiting naglakad naman siya palapit dito. Humakbang din ito para salubungin siya. Nang magkalapit silang dalawa ay niyakap niya ang Papa niya. "Na-miss ko po kayo, Papa," wika niya dito. Naramdaman naman ni Aria na tinapik ng Papa niya ng mahina ang likod niya. "Na-miss din kita, anak," wika din nito sa kanya. "Angelo," narinig niyang banggit ng Papa niya sa asawa niya. At mayamaya ay pinakawalan siya ng Papa niya mula sa pagkakayakap nito sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD