NATIGILAN si Aria ng pagkalabas niya ng banyo sa loob ng kanilang kwarto ay nakita niya ang asawa na nakaupo sa gilid ng kama. At hindi niya napigilan ang taasan ito ng isang kilay nang makita niya na titig na titig ito sa kanya. Mukhang hinihintay nito ang paglabas niya ng banyo sa sandaling iyon. "What?" tanong naman niya dito. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" dagdag pa na tanong niya. Sa halip naman na sagutin siya nito ay tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa gilid ng kama. Pagkatapos niyon ay humakbang ito palapit sa kanya. Napansin din niya na parang may itinatago ito sa likod nito. Huminto naman ito ng nasa tapat na niya ito. "What?" tanong ulit niya dito. Hindi naman ulit siya nito sinagot. Sa halip ay inilabas nito ang tinatago nito sa likod nito. Hindi naman niya napi

