MULA sa hawak na cellphone ay inalis ni Aiden ang tingin sa kamay ni Aria na pumatong sa dibdib niya. At bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman niya na pinaikot-ikot nito ang daliri sa matitipunong dibdib niya. At kahit na may suot siyang damit ay ramdam pa din niya ang init ng daliri nito sa balat niya na nagdala ng kakaibang init sa buo niyang katawan. Bumaling naman si Aiden sa asawa. "What are you doing?" tanong niya dito, medyo bumibigat na din ang hininga niya lalo na sa patuloy na pag-ikot ng daliri nito sa dibdib niya. It looks like she was teasing him. Nag-angat naman si Aria ng tingin. At hindi niya napigilan ang mapamura sa isipan nang kagatin nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kanya. Napansin din niya ang nag-aapoy na mga mata nito sa sandaling iyon. It fu

