"BABE, may kukunin lang ako sa itaas." Napatingin si Aria kay Angelo nang magsalita ito sa tabi niya. Hanggang ngayon ay nasa bahay pa siya ng mga Rodrigo. Pagkatapos nilang kumain ng dinner ay niyaya sila ni Tita Aika na magtungo sa sala ng bahay ng mga ito para ipagpatuloy ang pagku-kwentuhan nila. At makalipas ng kalahating oras ay nagpaalam ang mag-asawa na aakyat dahil magpapalit daw ang mga ito ng damit. Naiwan naman silang tatlo do'n. Si Adien, si Angelo at siya. Si Aiden naman ay lumabas ng bahay para magpahangin at naiwan naman silang dalawa ni Angelo do'n. Tumango naman si Aria ng magtama ang mga mata nilang dalawa. "Okay," sagot niya dito. Hinalikan naman siya nito sa noo bago ito tumayo mula sa pagkakaupo nito sa sofa. Sinundan naman niya ito ng tingin ng maglakad na ito

