NAPATINGIN si Aria sa gawi ng pinto ng Pet Clinic niya ng maramdamang may pumasok do'n. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya si Sanya ang pumasok sa Pet Clinic niya. Buhat-buhat nito ang alaga nito na si Chenney. At nang makita siya ni Chenney ay agad na tumahol ito. Iniwan naman ni Aria ang ginagawa para salubungin ang kaibigan. "Sanya," wika naman ni Aria ng makalapit siya. Dumukwang din siya para halikan ito sa magkabilang pisngi. Pagkatapos ay hinaplos niya ulo ni Chenney. "Well, gaya ng sinabi mo sa akin noon ay gusto kung ipa-check up si Chenney," wika ni Sanya sa kanya. "Hmm...sure," wika naman niya. "Akin na si Chenney," dagdag pa na wika niya sabay taas sa dalawang kamay. Inabot naman nito sa kanya si Chenney. Agad naman niya itong chen

