Chapter 3: James and His Friends

1126 Words
"Hi, kuya..." bati ni Hannah dito. "Hello, bunso..." sagot ng kuya ni Hannah sa kanya at sabay halik sa pisngi n'ya. "We have a beautiful visitor here," nagsalita ang kakarating lang na lalaki, namula naman bigla ang pisngi ko at yumuko dahil nahihiya sa sinabi n'ya at nailang din ako dahil huli ko s'yang nakita ay matagal-tagal na rin 'yon, kasi rito na ito sa Manila nag-aral at tumira, bihira lang itong pumasyal do'n sa probinsya upang dalawin ang kanyang pamilya no'ng hindi pa nakabili ang ate nila ng bahay rito sa Manila at hindi namanp kami magkakilalang dalawa. "Kuya James, she's Alledel my bestfriend, sumama s'ya sa'kin dito pauwi ng Manila kaya rito s'ya nakatira sa bahay natin," sabi ni Hannah sa kanyang kuya. "Hi Alledel, I'm James, Hannah's older brother," sambit n'ya at naglahad ng kanyang palad. "Hello po, ako po si Alledel, bestfriend ni Hannah," sambit ko at sabay abot ko sa kanyang kamay upang makapag- shake hands kami, pinisil pa n'ya ang kamay ko ng bahagya kaya hinila ko kaagad ito sa pagkagulat, nginitian lang ako nito ng pagkatamis-tamis at naglakad paalis. Sa isip ko tuloy mukhang manyakis ang kuya ng bestfriend ko, g'wapo na sana kaso gano'n pala s'ya. Nagba-basketball na sila Kuya James kasama ang mga kaibigan n'ya sa labas ng bahay, kami naman ni Hannah ay narito lang sa bentana habang pinapanuod namin silang mag-basketball. "Bestfriend, tingnan mo 'yong nakablack shorts oh! ang galing! laging shoot pag s'ya ang tumira." Kinikilig na sambit ni Hannah. Mukhang crush n'ya ang isang 'yon, sabagay g'wapo din naman maputi at matangakad pa. Lahat naman ng kalaro at ang kuya n'ya ay pareho silang g'wapo walang patapon sa kanilang hitsura at tingin ko rin sa mga ito'y mayayaman makikita naman sa hitsura nila. "Bestfriend oh! 'yong isang lalaki na tumitig kanina sa'yo nang pababa tayo ng hagdan sumulyap rito." Sambit ni Hannah. "Oy, bestfriend! mukhang may gusto sayo 'yon, iba kung tumingin eh halos lumuwa na ang mga mata n'ya sa kakatitig sa'yo." Dagdag pa ni Hannah at sabay tawa. "Iba talaga itong bestfriend ko, lahat yata ng lalaki ay hindi maiwasan hindi mapatingin sa'yo, paano ba naman kasi ang ganda-ganda mo, tama 'yong sinabi ni mama sa'yo nang nasa kusina tayo habang kumakain kanina, dati ang dungis mong tingnan at halos hindi ka pa yata naliligo." Sambit n'yang muli at biglang humagalpak naman s'ya sa kakatawa. Kunot-noo ko na lang s'yang tiningnan. "Bestfriend..." pasimula ko rito. "Wag kang tumawa ng ganyan mapagkamalan kang baliw ng crush mo, bahala ka... hindi ka n'ya magugustohan," pananakot ko sa kanya. "Tse! wag ka ngang ganyan bestfriend, alam mo namam na ganito na ako tumawa simula't sapol at alam mo 'yan." Paliwanag ni Hannah sa'kin. "Alam ko bestfriend, na ganyan ka tumawa, pero paano naman 'yong hindi nakakilala sa'yo? sa lakas mong tumawa mapagkamalan ka talagang baliw." Sabi ko sa kanya at sabay tawa, nakaganti rin ako sa kanya kung pagtawanan n'ya ako kanina at sabihin pang hindi yata ako naliligo dati. Tiningnan n'ya lang ako ng masama, "best friend ba talaga kita? kung pagsalitaan mo ako parang hindi mo ako bestfriend," pagtatampong sumbat n'ya sa'kin. "Oo naman bestfriend mo ako, kaya nga kahit baliw ka man o hindi narito lang ako para sa'yo," sambit ko at nag peace sign at nginitian ko s'ya. "Joke lang bestfriend..." sabay bawi ko sa'king sinabi, baka kasi nasaktan ko s'ya sa biro ko, nagbibiro lang naman ako sa kanya kaya wag n'ya sanang seryosohin, dahil ganito naman talaga kami palagi pag nagkakasama nag-aasaran, ang pikon 'yon ang talo. Natapos na sa pagba-basketball ang kuya ni Hannah at mga kaibigan nito, pumasok na sila rito sa loob ng bahay at nagtungo sa malaking sofa upang umupo. Pero bago pa man umupo 'yong isang tinutukoy ni Hannah kanina na tumitig sa'kin habang pababa kami nang hagdan at tumingin nang nag basketball sila sa labas ay kumaway ito sa gawi namin, kaya agad naman akong lumingon at tiningnan kong may tao ba sa'ming likuran ni Hannah pero wala naman akong nakita. "Sino kaya ang kinawayan nyang 'yon, ako kaya?" tanong ko sa aking sarili, malamang ako kasi wala naman ibang tao rito unless may third eye s'ya at multo ang kanyang kinawayan, napailing na lang ako sa aking naiisip. "Hi girls!" bati sa amin ng kuya ni Hannah na kakalapit lang. "Baka gusto n'yong magmeryenda? nagpaluto ako kay manang ng pancakes, join us!" pag-aalok sa'min at umalis na. Kaya naglakad kami dalawa ni Hannah palapit sa sofa kung sa'n sila Kaya James nakaupo, nakita ko na naman iba talaga tumingin sa'kin ang isa sa kaibigan n'ya, para bang may gustong sabihin ang bawat tingin n'ya sa'kin hindi ko lang mawari kung ano 'yon. Ngumiti ako sa kanila nang kami ay nakalapit na, nakita ko pang agad naman pumula ang pisngi nang lalaking panay ang tingin at sulyap sa'kin at kaagad itong nag-iwas ng tingin. Bakit namula ang pisngi n'ya dahil ba sa'kin? Si Hannah naman parang kiti-kiti kung kumilos palibhasa crush n'ya ang isa sa kaibigan ng kuya n'ya kaya ganyan s'ya umasta. "Bestfriend puwede bang kumilos ka nga ng normal kasi sobrang halata ka masyado!" Saway ko rito. Nginitian lang ako. Ewan ko talaga sa babaeng 'to, bakit ganito kumilos sa tuwing nakikita n'ya ang kanyang crush. Narito na kami ngayon ni Hannah sa sofa nakaupo nasa tapat namin si Kaya James at ang mga kaibigan n'ya, naiilang lang ako kasi ang short kong sobrang iksi at naka spaghetti strap na damit lang ako. Pero makinis naman ako kaya wala akong dapat ikahiya, sabi pa nang mga nakakilala sa'kin sa Leyte na hindi raw halatang mahirap lang kami kasi ang kutis ko raw ay pang mayaman sa sobra nitong kinis dinaig ko pa nga yata ang ibang artista. Chos lang! sabay ngiti dahil sa aking mga naiisip. "Alledel, I want you to meet my friends..." pagsisimula ng kuya ni Hannah na si James. "He is Noel..." turo n'ya sa taong crush ni Hannah, "he is Clyde..." turo naman n'ya sa lalaking panay ang sulyap sa'kin "and lastly this is Dave..." turo n'ya sa lalaking katabi n'ya. "Hello guys, nice to meet you all..." Sambit ko, at naglahad ng kamay sa kanila. Unang nakipag-shake hands sa'kin ay si Noel at sumunod naman si Dave at panghuli ay si Clyde matagal n'ya itong bitawan ang kamay ko, kunwaring napaubo pa si Kuya James kaya binitiwan na ni Clyde ang aking kamay. Clyde... 'yon pala ang kanyang pangalan, medyo pamilyar sa'kin ang pangalan n'ya pero hindi ko na masyadong tanda kung saan ko narinig 'yon. Nang sinabi ni Kuya James na "Clyde" ang pangalan nang lalaking panay ang tingin at sulyap sa'kin para bang may biglang kumirot dito sa puso ng hindi ko maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD