Dumeretso si Thunder sa penthouse niya para magpahinga, kakatapos lang ng shoot nila at dapat may meeting siya with her new personal fashion designer pero hindi natuloy dahil sobrang pagod talaga siya. Wala naman siyang schedule for one week so may time pa para makausap niya ang magiging personal fashion designer niya para sa mga damit na gusto niya at sa mga events na naka schedule na sa kaniya sa mga susunod na araw. Being a model is fun but lately he's really exhausted. Napasandal siya sa sofa at pinikit ang mata para mapahinga iyon. Puyat siya dahil madaling araw pa lang ay nag-shoot na sila ng commercial. Sa pwestong iyon ay nakatulog siya ng ilang oras. Nagising na lang siya na nakahiga na sa malaki niyang sofa. Hiindi naman siya nangawit dahil sanay na siyang matulog kahit nakaupo

