Pinindot niya ang video call sa group chat nil ani Ivy, Vixxie and Olivia. Gusto niya lang mag-rant sa mga ito dahil biglang uminit ang ulo niya sa lalaking iyon. Alam naman na ng mga ito ang istorya nila kaya gusto niya manghingi ng advice. Kinwento niya sa mga ito ang nangyaring katangahan niya kanina sa mall at ngayon pinagtatawanan na siya lalo na ni Ivy. "Sigurado akong gulat na gulat din sa'yo si kulog," tawang-tawa na bulalas ni Ivy. "s**t, naiimagin ko mukha niya! Priceless!" dagdag pa nito. "May anak pala ha? Ilan ba anak mo at nasabi mong hindi ka na masarap?" Olivia mocked. "Bwiset kayo! Tinawagan ko kayo para manghingi ng advice pero inaasar niyo na ako! Padalhan ko kayo ng adult toys diyan!" "Gaga! Masasapak kita! Alam mo bang si I-ivan ang nakabukas ng pinadala mo sa ba

