She pursed her lips while calming herself. Ilang araw na siyang nabi-bwisit kay Thunder. Akala pa naman niya ay mahihirapan siya ulit itong makaharap at magiging awkward ang lahat pero hindi pala, binuhay lang nito ang mga nakatagong sama ng loob niya sa katawan. Buong araw siya badtrip na naman dito dahil kung hindi siya nito papansinin ay kinokontra nito ang mga suggestion niya sa bagong susuotin nito. Ilang araw ng ganito at hirap na hirap na siya sa pakikitungo nito sa kaniya. "Ito na lang ang suotin mo dahil mas unique ang terno. Maganda nga 'yang napili mo pero sobrang plain." Napapikit siya saglit at napabuga ng hangin. "I'm your boss, so, I'm the one who will decide." Sa sobrang inis niya ay sinipa niya ang paa nito ng malakas. "Ako talaga ginagalit mo? I'm working my ass off h

