Liam Huxley Pov.
Kanina pa ako naiinis dahil wala paring dumadating ang kape ko. "Hindi ba na sabi ni Mitchell kay Katana na kailangan ko ng kape sa umaga bago mag trabaho" Kausap ko sa sarili ko.
"MISS KATANA" sigaw ko dahil alam kung nasa labas siya nandun kasi ang mesa niya gusto ko man ilipat yun dito sa loob pero alam kung mas mahihirapan siya dahil alam kung ayaw niya sa presensya ko, halata rin kasi sa kanya na kinakabahan at natatakot siya kapag malapit ako.
Pumasok siya sa pintuan na nakayuko at magkadikit ang kamay na makikita mong nanginginig dahil sa kaba. Ganun na ba siya katakot sakin para manginig sTIMPL simpleng pag tawag ko.
"Siguro naman ay kilala mo na ako?" Tanong ko sa kanya hindi ko pa alam kung nasabi na ba sa kanya ni Mitchell kung anong pangalan ko. "Liam Huxley" pagpapakilala ko habang tinitignan siya hindi niya ba talaga ako kaya tignan.
"Yes, Sir Liam" Sagot niya nasabi na pala ni Mitchell na kinangiti ko dahil hindi niya nakalimutan. "Get me a coffee" Utos ko sa kanya na kinatango niya naman.
"Yun Lang po ba?" Dagdag niya binigyan ko lang siya ng tango dahil kailangan ko na matapos lahat ng pepermahan ko.
Nabasa naman na ito ni Mitchell at sabi niya ay kailangan na lang ng perma ko na, nung nandito kasi ang dating sekretarya ko ay hindi talaga ako nahihirapan sa trabaho dahil alam na niya lahat nag sisimula palang ako ay siya na ang katulong ko sa opisina na sobrang laking tulong sa tulad kong mabilis ayawan ang trabaho lalo na kung tambak na papel ang pepermahan ko.
Hanga nga ako sa mga tauhan ko sa kompanya na hindi napapagod kakagawa ng mga trabaho nila. "Ah Sir Liam Kape niyo po" pagkuha niya ng pansin ko. Kanina kopa siya inaantay dahil natagalan siya sa pag balik.
"Ilagay mo diyan" Utos ko sa kaniya na agad niya naman sinunod at nilagay ang kape sa harap ko sa isang gilid na walang laman na mga papel.
"Do your job Miss Katana, wag ka lang tumayo dyan" Pagsita ko sa kaniya dahil nakatayo lang siya sa harap ko ayukong dumikit sa kaniya dahil alam kung iiwas rin siya, alam ko rin na ilang siya kapag malapit ako sa kaniya tulad nung ginawa ko nung isang araw na talagang makikita mo na nanginginig siya dahil sa kaba at takot.
Namumula na rin kasi ang mata niya nun na kitang kita ko, hindi ko alam kung takot lang ba siya kaya parang maiiyak na sakin o baka pagod na hindi ko alam nagugulohan ako. Pinagpatuloy kona ang pag perma dahil kailangan ko ito matapos dahil may mga kailangan pa akong gawin kaya maaga ako pumasok dahil dito, Dapat ay kagabi ko ito gagawin pero naisipan ko kinabukasan na lang dahil ayuko naman pagorin ang sarili ko. Akala nila masama at workaholic ako pero kabaliktaran lahat binibigyan ko ng oras ang sarili ko para makapahinga na malaking tulong sakin lalo na't lagi akong pagod sa trabaho.
Tinignan ko ang kape na nasa harap ko. Alam ko naman na sinabi ni Mitchell kay Katana ang gusto ko sa kape kaya agad ko itong kinuha at tinikman. "Bakit ang tamis?" Usisa ko dahil ayuko ng matamis na kape. "Hindi ba siya sinabihan ni Mitchell?" Pero hinayaan ko na lang dahil masarap naman ang pagkakatimpla ng kape hindi sobrang tamis at sakto lang hindi tulad ng normal na kape ko na paminsan mas malalasahan yung pait ng black coffee dahil walang cream, ngayon ay mas okay sakin ang ganitong kape may cream at matamis na sakto lang.
Ayuko na rin tawagin si Katana dahil alam kung aligaga yun sa pag aaral kung pano ang mag laptop sinabi ko kasi Kay Mitchell na kailangan matuto nuon ni Katana dahil dun kukunin lahat ng kailangan ko tulad ng mga meeting at invitation for events.
Katana Valencia Pov.
Ang hirap naman pala nito kanina kopa inaaral kung paano pero hindi ko makuha. Sana pala nagpaturo muna ako kay Mitch bago siya umalis hirap pa naman nito hindi sapat yung youtube dahil iba ang nangyayari sa laptop na gamit ko iba yata ito. "Hyst, Ang hirap naman" ungot ko dahil kanina kopa talaga iniintindi lahat ng kailangan ko pano ko makukuha Yung mga susunod na schedule at email buti na lang at nagawa ni Mitch ang mga kailangan kong gawin ngayong bago palang ako, pano kapag tapos na lahat ng nasa schedule at kailangan kona gumawa ng sarili ko. "Hirap mo naman" usal ko ulit dahil sumasakit na ang buong ulo ko. "Ano yung mahirap?" Gulat ko sa nag salita sa gilid ko dahil bigla na lang nag sasalita ang lalakeng ito.
"Ah Hello, Sino po sila?" Tanong ko dahil baka may kailangan siya kay sir Liam. "May appointment po ba kayo bawal kasi pumasok, busy si sir Liam, at kailangan niyo rin po mag pa appointment bago niyo makausap si Sir Liam" Pag papaliwanag ko sa kaniya, na kinangiti niya lang. "Hinayhay lang Miss, Kaibigan ako ni Liam" Pag bibigay niya ng impormasyon sakin na kinatango ko naman dahil hindi ko pa alam kung sino ang mga kaibigan ni Sir Liam dahil bango lang naman ako. "Ah, Pasensya po Sir pasok na lang po kayo" usal ko at tsaka ngumiti ng kunti dahil baka isipin niya na malungkot akong tao.
"Ako nga pala si Ethan Allen, Best friend ng boss mo, Nice to Meet you Miss?" Pagpapakilala niya at tsaka nilahad ang kamay para sa shake hands na agad kong tinanggap. "Katana Valencia Sir" pagpapakilala ko dahil ayuko naman maging bastos hanggat kaya ko maging pala kaibigan ay gagawin ko. "Dito pa talaga kayo nag landian sa tapat ng opisina ko" Sabat ni Sir Liam na masama ang tingin sa kaibigan na kinayuko ko dahil ayukong makita ang mata niyang nakatingin na naman sakin.
Pinagpatuloy ko na ang trabaho ko dahil umalis na silang dalawa at pumasok na sa loob ng office ni Sir Liam, grabe tumingin si sir kay Sir Ethan wala naman kaming ginawa at isa pa wala siyang karapatan na sabihin na nag lalandian kami dahil ngayon ko lang naman nakilala ang lalake na yun.
"Shut up, Ethan your not funny" Rinig kung sigaw ni Sir Liam sa loob ng opisina kasabay ng paglabas ni sir Ethan na tumatawa pa, anong nangyari? Nag away ba sila? Pero hindi naman galit si sir Ethan tumatawa pa nga eh. "Alis nako Miss Katana bye" pagpapaalam nito na sinundan pa ng salita ni Sir Liam na pasigaw. "Go Dumbass, Don't Come back anymore" Sigaw niya na lalong kinatawa ni sir Ethan.
Kanina pa tumutunog ang tyan ko dahil nagugutom na, hindi kasi ako nakakain ng almusal dahil sa pag mamadali para lang hindi malate, pero late parin. "Nagugutom na ako" bulong ko habang nakatingin sa screen ng laptop na gagamitin ko sa pag tatrabaho dito.
"Katana" Rinig kung tawag sakin ni Sir Liam, kanina nga rin pala ay nakaalis na si sir Ethan, "Get me some food, I'm hungry" utos niya habang nakatingin sa selpon niya atsaka tumayo at humarap sa salamin na dingding at may kinausap. Naglalakad na naman ako papunta elevator dahil kukunan ko ng pagkain si sir Liam.
"Ang dami namang pagpipilian, Anong kukunin ko dito?" Tanong ko sa sarili ko dahil napakaraming putahe, merong Adobong manok at baboy, Menudo, May gulay rin at mga pritong ulam. "Ate, Ano pong kadalasan kinakain ni sir Liam?" Tanong ko sa nagbabantay para hindi nako mahirapan sa pag iisip kung anong kukunin kung pagkain niya. Siguro naman ay alam nila kung ano dahil matagal na silang taga luto dito sa kompanya.
"Naka ready na ang pagkain ni sir Liam hija, Dessert na lang dahil hindi naman siya nag sabi para rin sigurado ay pumili kana para hindi kana bumalik dito" paliwanag niya hindi ko alam kung anong gusto niya pero bahala na. "Ah, yung blueberry Cheesecake na lang po, Nanay" Turo ko sa masarap na dessert sa harap ko, halata ring bago yun dahil wala pang bawas at halatang kakagawa lang. "Bago ka rito hija?" Dagdag niya habang inaayos ang panghimagas na tinuro ko.
"Ah opo nung isang araw lang po, Bagong secretary po ni sir Liam" Sambit ko habang nakatingin sa mga putaheng nag sasarapan. "Kaya pala ngayon lang kita dine" Na kinatango ko sabay ngiti at abot sa push cart tray na may pagkain ni sir Liam. "May juice at Bottle of water na rin dyan para hindi kana gumawa sa office ni sir" dagdag niya na kinangiti ko.