Katana Valencia Pov.
"KATANA" rinig kong sigaw ng isang boses na galing sa opisina ni Sir Liam.
Nag madali ako sa pag pasok dahil baka magalit na naman siya na ayuko na mangyari dahil natatakot ako sa nangyari kahapon na talagang kinatakot ko.
Dahil may kasama ng pagsigaw ang boses niya kahit alam ko naman na hindi niya ako sasaktan ay ayuko parin maabot ang dulo ng pasensya niya na baka maging dahilan ng pag kawala ng trabaho ko dito na sobrang laking kawalan kapag nangyari.
Malaking kompanya ito kaya kapag nawalan ako ng trabaho ay parang nawalan nako ng pagasa na mag kameron ng pera dahil kailangan ko na naman mag hanap ng panibagong pagkukuhanan ng pang gastos sa mga pangangailangan ko
"Siguro naman ay kilala mona ako" sambit niya na kinatango ko. "Liam Huxley" pagpapakilala niya sa kaniyang sarili habang patuloy sa ginagawa niya.
"Yes, Sir Liam" Pagsagot ko maraming papel ang nagkalat sa mesa niya dahil may mga pinepermahan siyang mga mahahalagang papel. "Get me some coffee" utos niya na hindi niya man lang ako tinaponan ng pansin.
"Yun lang po ba?" Pagtatanong kopa dahil baka may kailangan pa siya ay maisasabay kona para isang kuhaan na at hindi balik balik. Nasa ground floor ang mga kailangan ko kaya mahihirapan ako kung may kailangan pa siya na nandun, na pwede ko naman masabay para isang babaan na lang.
Naglalakad nako papuntang elevator dahil isa ang kape sa kailangan ko magawa bago mag simula ang mga trabaho, hindi rin daw kasi nakakapag trabaho ng ayos si Sir Liam kapag walang kape na galing mismo sa dati niyang sekretarya.
Maraming tao sa cafeteria dahil dito na nag breakfast kadalasan ang mga nag tatrabaho dito dahil sa aga ng pasok.
Nagugutom man pero tinitiis ko dahil ayuko bumili ng pagkain dito sabi kasi nila ang mahal daw pero hindi pako sigurado kung totoo yun dahil bagohan lang naman ako bilang sekretarya ni Sir Liam
"Ano nga ulit yung timpla ng kape ni sir Liam?" Mahinang tanong ko sa sarili ko dahil nakalimutan ko agad sa dami ng sinabi ni Mitchell wala rin akong dala na note kung san ko sinusulat dahil baka mataponan ng kape kapag dinala ko. "Dapat pala tinignan ko muna yung notes ko bago bumaba, Ano ba yan katana" sisi ko sa sarili.
Paakyat nako ulit sa office ni Sir Liam dahil nakuha kona ang kape niya. "Ah sir Liam kape niyo po" pagkuha ko sa presensya niya dahil busy talaga. "ilagay mo diyan" Utos niya na agad ko sinunod dahil ayuko talagang malapit because I'm not comfortable with him
Parang ang hirap makahinga na para bang sobrang sikip ng lugar kahit na hindi, hirap kumilos na para bang maling galaw ko ay masasaktan niya ako.
Hindi ko alam kung bakit ba ako takot na takot sa kaniya, takot ako lumapit na hindi naman masama pero ginagawa ko lahat malayo lang ako sa kaniya.
"Do your job Miss Katana, wag ka lang tumayo dyan" Mautoridad na utos niya na agad kong sinunod dahil sa titig niyang direkta nakatingin sa mga mata ko na naging dahilan ng panginginig ng kamay ko.
Mabilis na akong umalis sa harap niya dahil ayuko ng mga titig na yun hindi ko alam pero iba yung titig na nakikita ko kay sir Liam.
Ayuko man mag isip pero yun ang nararamdaman ko at nakikita ng dalawang mata.
Isa lang naman siya sa Top 10 na pinaka mayaman sa buong mundo Pangatlo sa sampo.
Nalaman ko rin na nag iisang anak siya ng mag asawang Huxley, may mga pinsan na kasama niya sa Top 10 na talagang kinahanga ko dahil sa murang edad isa siya sa kinikilala sa bansa at kahit sa ibang kasama ang mga pinsan niya.
Nakwento rin kasi ni Mitchell na marami daw kompanya si Sir Liam dahil 18 palang daw ay sinisimulan na nito gumawa ng pangalan sa larangan ng business. Na halatang nag success dahil sa galing niya.
LIAM HUXLEY POV.
Sa dami ng nag apply para sa pwesto maging sekretarya ko hindi ko alam kung bakit wala man lang akong magustohan sa mga nakausap ko at na interview. Hindi ko alam kung hindi ko lang ba gusto o baka wala sa kanila ang hinahanap ko.
Mag 1 pm na pero nandito parin ako sa opisina ko nakikinig sa mga sinasabi ng mga kaharap ko. Dahil sa biglaang pag alis ng secretary ko biglaan din ang interview dahil kailangan niya rin umalis sa kompanya ko. Bawat lumalabas ng pintuan ng kwartong ito ay umiiyak kapag babae naririnig ko rin ang bulongan sa labas na masama daw ako na totoo naman pero ayuko lang talaga ng mga taong landi ang gagawin sa trabaho.
Huling employee na ang hawak kong papel dahil yung iba ay umaalis na sa tagal at dami ng nag aantay wala naman akong pake dahil hindi ko kailangan ng mga tauhan na mainipin at hindi kaya mag antay.
"KATANA VALENCIA" Rinig kong tawag ni Mitchell sa huling impleyado mag tatlong oras na rin kami nag hahanap ng papalit kay Mitchell.
May pumasok na isang magandang babae, maputi, mahaba ang buhok at may magandang labi. Halata sa kaniya ang pagiging mahiyain at nanginginig pa.
Ganun na ba ako nakakatakot at nanginginig lahat ng taong makakakita. "A-hh Hello po" Unang salitang binigkas niya sa harap ko, sobrang ganda ng boses kahit na tatlong salita lang ang sinabi niya ay nakuha niya na ang atensyon ko.
"Katana Valencia" sobrang ganda ng pangalan, bagay na bagay ang ganda ng mukha sa pangalan, kahit na nanginginig nakikita kong sinusubukan niya maging matatag sa harap ko. "A-ako n-nga" sagot niya sakin pero nakayuko parin. Iniiwasan niya rin mapatingin sa mata ko na hindi ko alam kong bakit.
"Look at me" pag kuha ko ng atensyon niya hindi niya nga yata napansin na malapit nako sa kanya na kinagulat ng buong katawan niya dahil Hindi na siya nakagalaw. Gusto ko makita ng mas malapit bawat detalya ng mukha niya, hindi ako mapakali na hindi siya lapitan dahil nagagandahan talaga ako sa kaniya.
"Katana Valencia, Ang ganda ng pangalan mo" bulong ko sa kanya na kinagulat niya dahil napalayo siya ng kunti sakin, halatang Hindi komportable sa pwesto naming dalawa dahil masyado na akong malapit at nakikita kong mas tumindi ang pagkabalisa niya at panginginig.
"A-ano po y-yun?" Tanong niya na kinangiti ko dahil hindi talaga siya tumitingin sakin halatang may takot sa sistema niya kaya hindi niya man lang ako matignan kahit kunti na hinayaan kona dahil ayuko maging hindi komportable ang pakiramdam niya na baka ikatakot niya pa lalo sakin.
"How did you know that my company is hiring?" Tanong ko sa kaniya na kinaangat ng ulo niya sabay tingin sa mata ko na agad niya binawi at nilingon sa mga nag tataasang building sa labas.
Hirap na hirap talaga siya tumingin sakin na hindi nga man lang tumatagal ng 5 seconds.
"A-hh k-kasi nalaman ko sa mga nakasabay ko sa paglalakad kanina na may hiring daw dito, g-gusto ko subukan mag apply baka matanggap ako" Kaya pala akala ko pa naman kusa siya pumunta dito, dahil sa biglang hiring dinagsa ng madaming tao ang kompanya ko.
Usap usapan sa labas na gusto daw nila matanggap dahil sa iba't ibang gusto, karamihan sa mga babae ay mga nakasuot ng labas ang cleavage na kita na agad ang totoong gusto kung bakit gusto mag apply. Ibang iba ang babaeng kaharap ko dahil sa simple na damit.
Naka pants at t-shirt lang at halatang pagod na pagod dahil namumutla na ang labi.