Katana Valencia Pov.
Ngayon ang unang araw ko bilang secretary kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ng isang secretary kahit nga kunti wala akong alam siguro mag tatanong na lang ako para hindi naman ako mag mukhang tanga dun.
6:30 ang pasok ko dahil kailangan ko mauna sa Boss ko yun Kasi ang sabi nung dating secretary niya na si Mitch kailangan daw na lagi ako ang mauna dahil ayaw daw ng Boss namin ng mga taong late.
"Katana" Tawag sa pangalan ko ni Ate Isabelle malapit lang kasi ang Bahay nila sa apartment ko kaya lagi kami nagkikita.
"Saan ang punta mo at parang bihis na bihis ka?" Tanong niya habang henehele ang anak na bunso.
"May pasok ako sa bagong trabaho ko ate kailangan maaga eh" Pagpapaliwanag ko at tsaka umalis alam kung nakakabastos man pero kailangan kona umalis dahil ayuko mapagalitan lalo na't unang araw ko pa naman nakakahiya yun para sakin.
Baka maisipan pa ng Boss namin na tanggalin ako dahil sa late lang ako ayuko ng ganun papayag ako kung may maayos na dahilan.
Magsisimula na ang trabaho ko na hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan ng magiging amo ko hindi ko rin alam kung ano ang pangalan ng kompanya na pagtatrabahohan ko. Sana pala tinanong ko kay Mitch kahapon bago ako umuwi masyado na Kasi akong pagod at wala pang kain kaya nag mamadali nako sa paguwi.
Para nakong mawawalan ng lakas dahil sa gutom at pagod na pareho kung nararamdaman.
Kaya nakalimutan ko na kahit nga pagtatanong kung ano ba ang ginagawa ng isang secretary nakalimutan ko rin ano ba naman yan Katana.
Nasa tapat nako ng building na at kailangan kona bilsan dahil ilang minuto na lang late na ko okay lang kung wala pa dun ang boss ko pero pano kung nandun na.
"Goodmorning Manong Guard" Bati ko sa kanya para man lang mag kameron ng pag asa na sana wala pa dun ang boss ko pero mali pala dahil. "Dumating na si Sir Liam naunahan kapa" na kinagulat ko dahil alam kong mapapagalitan ako. "Sige po una nako" sagot ko habang tumatakbo. "Lagot ako nito first day late ka Katana" kausap ko sa sarili ko dahil kinakabahan na talaga ako sa mga pwedeng mangyari.
"You're Late Miss Katana" Rinig kong sigaw ng boss ko alam kong galit na siya dahil ang sama ng tingin niya samin pareho ni Mitch na kanina pa pinapagalitan dahil hindi raw ako sinabihan na kailangan kong gawin.
"Dapat mas mauna ka dito kesa sakin pero mas nauna pako sayo, yan ba ang trabaho ng secretary?" Pagalit na sambit niya habang masama ang tingin sakin. "S-sorry Sir, naglakad lang kasi ako" bulong ko habang nakayuko gusto ko umiyak dahil sinisigawan niya ako pero ayuko ipakita na mahina ako sa harap ng mga tao kung kailangan ko mag kunware na malakas gagawin ko.
"Mitchell, Ituro mo lahat kay Miss Katana ang mga dapat gawin, tsaka ka makakaalam kapag alam na niya ang mga ginagawa mo sa kompanyang ito" Utos niya kay Mitch na nakayuko rin dahil sa takot na baka magalit lalo si Sir Liam. Nakakatakot siya dahil sa titig niyang parang handa ka niya patayin.
"Yes Sir Liam" Sagot niya tsaka niya ako hinala palabas ng office ni Sir Liam. "Grabe mag utos akala mo naman kataposan na ng mundo, siya kaya magturo sayo para alam niya tsk!" Kailangan ko magpatuloy dahil gusto ko matupad ang pangako ko sa pamilya ko na hahanapin ko kung sino man puno't dulo ng lahat ng nangyari sa buhay namin.
"Siguro naman alam mona kung anong klaseng ugali meron si Sir Liam" Paniniguradong tanong niya sakin na kinatango ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya, ayuko rin dagdagan ang mga sinasabi niya lalo na't malapit lang kami sa office ni sir Liam baka marinig kami lumala pa lalo pag nag kataon.
"Kailangan mo siya ipagtimpla ng kape bago mag simula ang trabaho, No cream and one teaspoon of sugar. Hindi pwedeng sobrang tamis dahil hindi niya iinomin yan at baka itapon lang sa mismong harap mo...Kailangan mo rin makinig sa lahat ng sinasabi niya dahil may mga oras na bigla yan magsasalita ng mga dapat niyang gawin na dapat handa ka lalo na sa mga importanteng meetings and event's you need to listen 24/7, bawal din ang pabagal-bagal kay sir Liam dahil mabilis siya mainip. Kailangan mo rin matuto gumamit ng laptop or ipad dahil kadalasan thru email ang mga documents, you need to learn mahalaga yun dahil ikaw lahat gagawa ng mga documents na kailangan sa mga meetings ni Sir Liam... Yumg ipod nasa mesa ko kunin mo na lang nandun lahat ng schedule niya pwede mong pag aralan para may idea ka kung pano ko ginagawa. Kailangan mo rin lagi icheck ang mga emails, isa isa dapat dahil paminsan nasa dulo or gitna ang mga appointment para sa mga meetings" Paliwanag niya sakin na pinapakinggan ko ng maayos at tinatake note para wala akong makalimutan.
Mahihirapan ako panigurado kapag may nalagpasan ako sa mga sinabi niya mahihirapan ako pag nangyari yun. "Kailangan mo rin siya tanongin kung ano ang gusto niyang lunch dahil hindi lumalabas yan ng office hanggat hindi tapos ang office hour" dagdag niya na kinatango ko dahil sobrang daming kailangan tandaan kailangan ko rin aralin kung pano mag laptop may alam naman akong kunti pero Hindi Yun sapat lalo na't dun makukuha lahat ng kailangan ko.
"Naiintindihan mo ba ako Katana?" Dagdag niya pa "Oo, Naintindihan ko lahat, pwede ba ako mag tanong?" Gusto ko itanong kong kailangan koba samahan si sir Liam sa lahat ng pupuntahan niyang meetings.
"Ano yun?" Tanong niya habang seryosong inaayos ang mga gamit niya dahil pag tapos nitong paguusap namin ay aalis na siya sa kompanya na hindi kona inalam.
"A-hh kailangan koba lagi samahan si Sir Liam sa mga meetings at events?" Sagot ko habang nakatingin sa kanya na patuloy parin sa pag aayos.
"Oo, Lalo na kung kailangan ng assistant ayaw na ayaw ni Sir ng kukuha ng ibang assistant para matulongan siya kung pwedeng isama ang secretary isasama niya kahit sa ibang bansa pa, kaya ikaw kailangan mo siya sundin kahit sa anong utos, naka ayos na rin lahat ng kailangan kung sakaling may business trip na kailangan puntahan ni sir Liam, hindi kana mahihirapan at hindi mo na iisipin kung paano magagawa ang trabaho mo dahil wala ng problema, may passport at ids kana".
Sobrang laki ng tulong ni Mitch sakin na kahit nasusungitan okay lang dahil kung hindi sa kaniya baka hindi ko alam ang gagawin ko hirap rin pag walang alam sa mga bagay lalo na kung sa trabaho pa. "Salamat ng marami Mitch, Lalo na sa pag tulong sakin".