Chapter 3: Tanggap ba?

1020 Words
Katana Valencia Pov. Dahil sa tagal ng pag aantay may ibang umalis na lang dahil hindi na kinaya meron naman na tulad ko ang nagpatuloy sa pag aantay para mag kameron ng trabaho sayang rin kasi kung aalis ako ilang oras na din naman ang nasayang ko dito kaya lulubosin kona. Pangatlo na rin naman ako at yung katabi ko kanina ay natawag na dahil nauna siya sakin mag pasa ng resume. Kung napaaga sana ako ng kunti baka tapos na rin ako at hindi natanggap halata kasi sa mga taong lumalabas ng kwarto na pinag interview ay halatang hindi sila tanggap Dahil sa hindi mapaliwanag na itsura yung iba umiiyak pa dahil napag salitaan daw nung may ari. Yung boss kasi ang kumakausap sa mga tao dahil siguro gusto niya na siya mismo ang pipili ng mga magiging tauhan niya sa kompanya niya na isa rin naman sa magandang paraan para hindi na makapasok ang mga may gustong mag pabagsak sa kanya halata kasi na maraming may galit sa boss ng kompanya na ito. "Katana Valencia" Tawag sa pangalan ko na kinatingin ko sa harapan dahil nandun yung babae na nakausap ko Kanina hawak niya ang resume ko. Tumayo na ako agad dahil ayuko mapagalitan lalo na't halatang mabilis magalit at mainis ang Boss nila, ayuko mapaalis at masayang ang oras ko sa walang kwentang bagay. "Ako yun" Taas ko ng kamay habang naglalakad palapit dun sa babae. "Ikaw na pumasok kana dahil inaantay kana" Sabi niya na kinanginig ng kamay ko dahil kinakabahan na naman ako, pano kung hindi ako matanggap? Pano kung masigawan ako? Pano kung ayaw nila sakin? Kahit janitor o kaya taga punas ng salamin pwede na sakin basta kikita ng pera. Pag pasok ko ng silid ay nakita ko agad ang isang matangkad na lalake na nakatayo sa harap ng glass wall na halatang naiinip dahil hindi siya mapakali kakalakad. "A-hh H-Hello po" bati ko rito habang nakayuko dahil kinakabahan talaga ako ng sobra at nahihiya dahil sa itsura ko. "Katana Valencia?" Bigkas niya sa pangalan ko na kinataas ng ulo ko para makita siya na maling desisyon dahil nasa harap ko ang mala Diyos na mukha, matangkad, matangos ang ilong at sobrang buo ng boses na lalong nag pakaba sakin. "A-ako n-nga" Sagot ko habang nakayuko dahil ayuko tumingin sa mga mata niya na sobra kung makatingin parang hinihila ang kaluluwa ko paalis sa katawan ko. "Look at me" Usal niya na kinagulat ko dahil nasa harap kona siya, diba nandun lang siya sa mesa kanina bakit nasa harap kona agad na hindi ko man lang naramdaman na lumapit siya. "Katana Valencia ang ganda ng pangalan mo" bulong niya sakin na nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa boses niya at sa hininga niyang tumatama sa tenga ko. "A-ano po y-yun?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga nag lalakihang building sa labas, hindi ko kaya tumingin sa mga mata niya dahil nakakapanghina ito. "How did you know that my company is hiring?" Tanong niya sakin habang nakatingin ng deretsyo sa mga mata ko na kinalingon ko sa gilid dahil hindi ko kaya makipag titigan sa mga mata niya. "A-hh k-kasi nalaman ko sa mga nakasabay ko sa paglalakad kanina na may hiring daw dito, g-gusto ko subukan mag apply baka matanggap ako" sagot ko na may halo pang panginginig dahil sa tindi ng kaba na nararamdaman ko ngayon lalo na't nakatingin pa siya sakin na akala mo ay tatakbohan ko siya. "Do you know anything about the job you applied for?" Dagdag niya na lalong nagpakaba sakin dahil wala akong alam sa pagiging secretary kung yun man ang magiging trabaho ko sakaling makuha ako dito. "W-wala po" Pabulong na sagot ko dahil parang dinadaga ang puso ko sa bilis ng t***k nito nahihirapan ako sumagot ng ayos dahil patuloy siya sa pag mamasid sa buong katawan ko na parang sinusuri niya ako na talaga namang nagpakaba pa ng husto sakin. Dahil din sa talim niya tumingin nahihirapan ako makaisip ng pwedeng masagot sa kanya. "Pano ka matatanggap sa kompanya ko kung hindi ka naman sigurado sa kung ano talaga ang pinasok mo?" Tanong niya na lalong nagpapatindi ng nararamdaman ko gusto ko maiyak dahil napapahiya nako sa harap niya. Ayuko ng pakiramdam na ganto gusto ko umalis pero ayuko naman maging kawawa dahil lang hindi ako sigurado kung anong klase nga bang trabaho ang nag aantay sakin dito. "Tatanggapin ko naman kahit anong trabaho basta kumita lang ako" sambit ko na may kasamang panginginig ng boses dahil pinipigilan ko hindi umiyak dahil gusto ko maging malakas sa harap niya lalo na't magiging boss ko siya. "Do you know anything about being a secretary or assistan?" tanong niya ulit na kinatingin kona sa kanya dahil ang alam ko talaga ay pagiging janitor ang inapplyan ko. "Akala ko kasi pagiging janitor ang magiging trabaho ko dito?" bulong ko dahil kahit mahina naririnig niya ko sa sobrang lapit niya sakin. "Hindi bagay sayo ang trabaho na yun" Usal niya na kinagulat ko dahil ngayon mas malapit at mas ramdam kona ang buong presensya niya sa katawan ko. "P-pwede ba lumayo ka" pakiusap ko sa kaniya dahil naiilang nako sa pag lapit lapit niya hindi dapat ito nangyayari dahil mag kaiba kami. "You can start tomorrow" salita na kinangiti ko dahil tanggap na ko hindi nako mahihirapan sa paghahanap ng trabaho dahil may maayos na kong nahanap. Tapos na lahat ng pagod ko sa pag hahanap ng trabaho hindi kona kailangan mag lakad sa initan para mag tanong sa bawat restaurant o karinderya. "A-hh pwede po ba mag tanong?" pagkuha ko ng atensyon niya dahil nakatingin na ulit siya sa mga building na kitang kita sa loob ng silid. "A-h kasi nagugulohan pako anong trabaho yung ibibigay mo sakin?" tanong ko habang kinakabahan dahil baka magalit siya sakin dahil nag tanong ako. "You will be my secretary" sagot niya na kinatango ko atleast ngayon alam kona kaso wala pakong alam sa pagiging secretary wala namn kasi akong experience dyan hanggang taga hugas lang ako ng pinagkainan ng mga tao sa dati kong trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD