Katana Valencia Pov.
Maaga akong nagising dahil kailangan ko na ihanda ang pagkain na dadalhin ko sa trabaho, Nag dala rin ako ng snacks para kapag nagutom ay may makakain ako. Meron ding saging at tubig para hindi nako bibili sayang din kasi dagdag ipon rin ang ipambibili ko nuon.
Simula nung gumising ako ay iniisip ko na agad ang kailangan ko gawin para makausap si sir Liam. Kinakabahan kasi ako dahil kung ano ano na ang naiisip ko na baka matanggal ako o kaya naman ay magalit siya at masaktan ako. Pero hindi ko masyado iniisip na aabot sa sasaktan ako dahil kusa akong aalis kapag nangyare yun.
Nasa tapat nako ng elevator at inaantay na lang mag bukas nasa 38 floor ang opisina ni sir Liam kaya naman importante ang ganito dahil hindi ko kakayahin kapag hagdan ang ginamit. Dahil sa may mga empleyado ng pumapasok ay may nakasabay na ako may tatlong lalake at dalawa kaming babae.
Binati nila ako na kinangiti ko dahil hindi ko alam na kahit sekretarya ka lang ay pwede kang batiin ng mga tauhan ng boss mo, Miss at Ma'am pa ang tawag sakin na kinangiti kopa lalo dahil dito ko palang naranasan matawag ng ganun.
Habang inaantay si sir Liam dumating ay inayos kona ang mga gamit ko sa mesa nilabas ko na rin ang laptop dahil ipagpapatuloy ko ang ginagawa ko kagabi na pag babasa ng documents. Meron naman akong soft copy pero mas gusto ko sa laptop dahil Hindi ako nahihirapan pwede rin kasi na habang nag babasa ako ay gumagawa pa ng ibang trabaho para hindi sayang sa oras. Lagi ko sinasabi sa sarili ko na kung pwede naman gawin gawin na agad para hindi matambakan ng gawain.
Napataas ako ng ulo ng may marinig akong tunog ng sapatos, sobrang aga pa dahil wala pa namang 6:00 am kaya malabong may umakyat na agad na taga linis dito sa taas, lalo na't hindi pa naman inuutos ni sir Liam. Inantay ko kung sino ang taong papalapit sa opisina na kinagulat ko dahil si sir Liam ang nasa harapan ko.
Masama parin ang timpla ng mukha halatang hindi maayos ang gising dahil nakasimangot na naman na parang galit. Lalo ako kinabahan dahil plano ko dapat ay bago mag simula ang trabaho niya ay dapat nakahingi nako ng sorry. Pero parang mauudlot dahil sa takot kong magalit siya lalo sakin. Nang dumaan na siya ay binati ko parin.
"Goodmorning Sir Liam" Tumayo ako at tsaka siya tinignan na kinayuko ko dahil ang sama ng tingin ng mga mata niya sakin na para bang sinasabi na kapag binuksan ko ang bibig ko ay pwedeng may mangyari sakin. Inantay ko na lang na makapasok siya sa office tsaka ako nag taas ng ulo.
"Hoo, Kinabahan ako dun" Kausap ko sa sarili ko habang natatawa dahil talagang nagtaasan ang balahibo ko dahil sa talas ng tingin niya.
Pababa rin ako ngayon dahil dumating na si sir Liam ay kailangan kona kumuha ng kape para sa kanya siguro naman ay may mga tao na sa cafeteria.
Meron namang pantry si sir sa mismong opisina niya pero hindi kasi siya nag sabi na dun nako gumawa, ayuko naman pangunahan Siya dahil baka mapagalitan pako.
Habang naglalakad ay iniisip ko kung hihingi naba ako ng sorry o mamaya na lang sa oras ng uwian para kalmado na siya.
"Ay bahala na Katana" pagsaway ko sa sarili ko tsaka nag patuloy sa pag sakay ng elevator hanggang makarating sa cafeteria nandun kasi ang mga kailangan ko may sarili ring kwarto na para sa mga kailangan ni sir Liam tulad ng kape nandun at kompleto may coffee maker din naman pero hindi kopa alam gamitin kaya timplang kamay ang ginagamit ko.
"No cream and one teaspoon of sugar" pagpapaalala ko sa sarili ko dahil ayuko na lumala ang problema dahil lang nag kamali na naman sa timpla ng kape. Parang ngayon palang kinakainisan kona ang kape dahil kung hindi dito hindi ko sana kailangan humingi ng patawad at pasensya sa boss ko.
Kinakabahan ako dahil nasa tapat ko na ang opisina ni sir Liam, lalong lumakas ang t***k ng puso ko na mas lalong nagpakaba sakin. Kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Tsaka ko nakita si sir Liam na nakayuko sa mesa niya na para bang natutulog malayo palang ay halata ko ng payapa na ang tulog niya ayuko tuloy siya gisingin ng bigla siyang nagising at tumingin sakin ng deretsyo. "G-goodmorning po Sir L-liam" pagbati ko ulit habang nauutal dahil sobra na ang kaba sa dibdib ko.
"K-kape niyo po" Habang lumalapit ay lalong nanginginig ang kamay ko na pinipigilan ko dahil baka matapon ko ang kape sa harap niya na baka ikapahiya kopa. " Come closer Miss Katana" Paguutos niya, kahit na ayuko ay sumunod ako dahil ayuko siya magalit sakin.
Nilagay ko sa harap niya ang kape tsaka umatras ng kunti pero sakto lang naman dahil malapit parin ako sa kanya. Tumayo siya sa kaniyang upuan tsaka naglakad papunta sa harap ko pero tumigil rin kaya naman naginhawaan ako sa ginawa niya.
"A-ahh T-tungkol po sa k-kape kahapon" panimula ko na may halong takot. "You gave me a wrong coffee" Dugtong niya sa sinabi ko na kinatungo ko at tumingin sa kaniya. "Pasensya po, Sana po ay hindi niyo ako tanggalin sir Liam" Paghingi ko ng pasensya.
Habang sinasabi ko ang paghingi ko ng pasensya ay palapit ng palapit ang pwesto niya sakin na kinayuko ko dahil sa ibang pakiramdam na binibigay ng presensya niya sa buong katawan ko at puso.
"Miss Katana" Tawag niya sa pangalan ko na sinundan ng pangyayaring ngayon ko lang naramdaman hinalikan niya ako.
Dahil sa labi niyang nakadikit sakin na kinagulat ko ay hindi agad ako nakagalaw. Mas kinabig niya ako palapit sa kaniya kaya naman nagdidikit ang katawan namin, ayuko ng nangyayari pero iba ang ginagawa ng katawan ko, mas lumalim ang paghalik niya na hindi ko napansin na sinasabayan ko na.
Nakahawak na rin siya sa mag kabilang parte ng bewang ko. He give me deep and smooth kiss na lalong naglapit sakin sakanya para na kasing nakayakap ang mga kamay niya sa bewang ko dahil nakapaikot na ito sakin.
"Ughm" Isang munting ungol ang lumabas saking bibig dahil pinipilit niyang ipasok ang dila sa bibig ko. Bigla niya rin akong kinabig pa kaya nabuksan ko na naging daan para mapasok niya ang malikot niyang dila na para bang may hinahanap.
Dahil sa tunog ng cellphone ay biglang naputol ang paghahalikan namin na pinagpasalamat ko.
Habol hininga ang ginawa ko habang nakayuko dahil sa hiyang ginawa ko nakatingin rin kasi si sir Liam sakin habang nakangiti na lalong nagbigay sakin ng kahihiyanan.
" I call you later bye" pagpapaalam niya sa kausap niya. "A-aalis na po ako" Pag papaalam ko sa kaniya tsaka tumalikod pero hindi pako nakakahakbang ay nahawakan na niya ang kamay ko na kinaharap ko sa kaniya dahil sa biglang kuryenteng dumaloy papunta sa katawan ko.
"About sa coffee, i like it Miss Katana. No need for explanation and sorrys" Pagbibigay niya sakin ng impormasyon na ayos lang sa kaniya ang timpla na ginawa ko. "And please do that coffee again".
"K-kamay ko po" Pagkuha ko ng atensyon niya dahil hindi niya parin binibitawan ang kamay ko, sobrang init rin ng pakiramdam pag hawak niya ang kamay ko hindi ako sanay.
Naiilang din ako dahil siya ang unang lalakeng humawak sakin ng ganun kahigpit na para bang pag binitawan niya ay mawawala ako.
Pero maling galaw pala yun dahil bigla na naman niya akong hinalikan pero ngayon mas malalim at mas magaan. Agad niya rin naman yun tinapos.
Umalis nako sa loob ng opisina dahil nahihiya na ako sa sarili ko, pag hingi lang ng pasensya ang pinunta ko dun pero bakit may halikang nangyari samin.