Chapter 9: Pag-Iwas

1366 Words
Katana Valencia Pov. Dahil sa nangyari sa loob ng opisina ni sir Liam nahihiya na akong lumapit sa kaniya. Pag katapos kasi ng nangyari ay umalis nako at umuwi na Hindi nako nag paalam pa dahil sa hiya ko sa nangyari sa gitna naming dalawa. Hiyang hiya rin ako dahil hindi man lang ako pumalag sa pangalawang pagkakataon niyang inangkin ang labi ko. Dahil rin sa nangyari parang gusto ko na lang umalis sa trabaho ko pero hindi pwede dahil may kontrata akong pinermahan na naka saad dun Hindi pwede umalis ng walang maayos na dahilan. Anong idadahilan ko na nakipag halikan ako at na realize na mali yun, sinong tanga ang papayag sa ganun. Lalo na't boss kopa ang kahalikan ko, "Tanga mo, Katana" Kanina pa ako naglalakad para pumasok ng trabaho late na ako pero hindi ko pinapansin dahil talagang sinasadya ko bagalan ang paglalakad dahil ayuko makita ang mukha ni sir Liam at ayuko pa maalala lahat ng katangahan ko kahapon. Habang papalapit sa elevator lalo lumalakas ang t***k ng puso ko, kasabay pa ng panginginig ng mga kamay na akala mo'y sasabak sa gera ng walang dalang bala. Pagpasok ko ay pinindot ko agad ang floor button pero biglang may humarang na kamay sa pagsara kaya bumukas ulit ito at pumasok ang isang lalake na naka suot ng itim na sumbrero. Tinignan ko ito ng ayos dahil pamilyar sakin ang mukha. "Hi, Miss Katana" Sambit nito na kinagulat ko tsaka ko siya tinignan, but this time nakatanggal na ang sumbrero niya. "Sir Ethan, ikaw po pala tinakot mo ako" bulong ko dahil nasa likod niya ako, kita ko lamang ang kaniyang likod at ang gilid ng mukha niya dahil banda gilid niya ako naka tayo. "You're late Miss Katana" Tanong niya na kinatango ko. "N-nalate po ako ng g-gising eh" i said while looking on my feet, kinakabahan parin kasi ako dahil patuloy na umaakyat ang numero sa taas ng pinto ng elevator. Pagbukas ng pintuan ng elevator ay lumabas na si sir Ethan at dumiretsyo sa loob ng opisina ni sir Liam, ako naman ay pumunta na sa aking mesa dahil kailangan ko na simulan ang mga hindi ko natapos na trabaho kahapon dahil sa biglaang paguwi ko. Sinimulan ko na ang pag gagawa ng mga paperwork dahil natambakan ako nung isang araw dahil sa hindi kopa naiintindihan ang kailangan ko gawin, hirap na hirap ako dahil sa wala akong natapos sa pag-aaral dahil hindi ko naman kaya paaralin ang sarili ko. Pag-kain nga sa araw araw ay nahihirapan nako hagilapin ang pera, paano pa kaya sa pang araw araw na baon at pamasahe para makapasok. Kaya mas pinili ko hindi na mag tuloy wala na rin naman supporta na galing sa pamilya ko hindi nako naganahan mag aral dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Gustohin ko man pero tadhana ang gumagawa ng bagay na kailangan ko na lang sabayan para mabuhay sa mundong hindi patas Kung lumaban ang mga tao. Nakita kong lumabas na si sir Ethan kasunod ang lalakeng ayukong makita sa araw na ito, pero malabo pa sa putik na mangyari yun dahil siya ang may ari ng kompanya na ito at siya rin ang boss ko. "Bye Miss Katana" Paalam ni sir Ethan sakin na nginitian ko lang at tinanguhan dahil ayukong buksan ang bibig ko para maglabas ng salita. "Pwede ka namang umalis ng hindi nag paalam sa sekretarya ko, Allen" Diretsyong bigkas ni sir Liam kay sir Ethan na natatawa na naman sa kaibigan. Ang hilig niyang tawanan si sir Liam kapag nagagalit o naiinis ito, Siguro ay natutuwa dahil naiinis niya ang kaibigan nito. Nasabi rin sakin ni Mitchell na hilig daw talagang mag away away ng mga magkakaibigan. Na hindi ko na pinagtaka. Pero hindi ko alam kung anong kinatatawa ni sir Ethan dahil wala namang sinabi na nakakatawa si sir Liam sa kaniya kung hindi pwede na siyang umalis na hindi nagpapaalam sakin. "You always hate me, Huxley" Natatawa nitong puna sa kaibigan niya, na lalong kinainis ni sir Liam kaya kinuha niya ang isang malapit na vase sa pwesto niya tsaka binuto kay sir Ethan na kinagulat ko. Dahil akala ko'y iaamba niya lamang sa kaibigan na ibabato niya pero hindi ko inaasahan na gagawin niya talaga, agad rin naman nakaiwas si sir Ethan na kinapasalamat ko dahil kung katatamaan siya ay pwedeng matamaan siya sa ulo dahil sakto lamang sa pwesto niya ang tama ng hagis ni sir Liam. "Galit na galit, aalis na nga ako" Dagdag ni sir Ethan tsaka sumakay ng Elevator na tumatawa parin. "I really don't like that guy" Sir Liam said while looking at me, na kinayuko ko agad dahil ayuko siya tignan. Nahihiya parin Ako sa nangyari saming dalawa kung pwede lang maging invisible ay ginawa ko na ngayon dahil gusto ko siya iwasan sa kahit anong paraan. "Why did you come home so early yesterday, Miss Katana" Pagtatanong nito na naging dahilan ng panginginig ko at kaba dahil Hindi ko alam ang pwede kong idahilan sa kaniya. "I looked for you in the whole company but I didn't find anything. If I hadn't asked the guard downstairs, I wouldn't have known that you went home." Kinakabahan na ako ng sobra dahil sa takot sa kaniya ganito rin kasi ang tono ng boses niya nung unang araw ko sa trabaho bilang sekretarya niya. "P-pasensya po" Paghingi ko ng pasensya dahil nahihiya ako, mali rin kasi na umuwi ako bigla na hindi pa tapos ang work time. Pwede rin mabawasan ang sahod ko dahil sa paguwi ko, "H-hindi na po m-mauulit Sir L-liam" Nanunubig na ang mata ko dahil sa takot na baka lalo siyang magalit sa ginawa ko. "Why did you leave without telling me? Miss Katana" Lalo akong kinabahan dahil ayukong sabihin na nahihiya ako sa halik na ginawa niya sakin. "Sumama po ang pakiramdam ko" Pagsisinungaling ko dito dahil ayukong sabihin na nahihiya ako sa nangyari. "Okay, Miss Katana" dagdag niya tsaka siya pumasok sa opisina niya. Dun lang ako nakahinga ng maayos dahil umayos na ang hangin sa paligid ko ng umalis siya. Dahil sa tagpo na yun ay hindi nako napakali sa pag tatrabaho dahil patuloy pumapasok sa isip ko ang nangyari, gusto ko man kalimutan ay pumapasok talaga at sumisiksik sa bawat parte ng isip ko ang nangyari. "Miss Katana" Tinig na kinagulat ko dahil si sir Liam yun, bigla akong tumayo para pumasok sa opisina niya. At nakita siyang nakaupo sa swivel chair niya at tutok ang paningin sakin na para bang alam niyang papasok ako agad. "A-ano p-po yun?" Nanginginig kong usal habang nakatingin sa kaniya, hindi deretsyo sa mata pero nakikita ko parin ang ginagawa niya. Tumayo siya at dahan dahang lumalapit sakin. "Are you avoiding talking to me?" He said while looking directly to my eyes, sa bawat hakbang niya ay hakbang ko rin papunta sa bukas na pinto. "Answer me, Miss Katana" Dagdag niya pa na lalong nagpakaba sakin. "H-hindi l-lang po ako s-sanay sa n-nangyari k-kahapon Sir L-liam" Pagpapaliwanag ko habang nanginginig ang mga kamay at pinagpapawisan ng malamig dahil sa kaba na binibigay niya sakin. Kahit na hindi siya malapit sakin ay na aamoy ko parin ang pabango niyang lalakeng lalake ang amoy, Pero Hindi nun natakpan ang kaba sa aking dibdib dahil patuloy parin siyang lumalapit at patuloy na kinukuha ang atensyon ko. "Kahit ako'y nabigla sa nangyari, Sorry Miss Katana, Hindi na mauulit ang nangyaring yun" Pagbibigay niya ng impormasyon na hindi na mauulit ang nangyaring paghalik niya sakin na kinatango ko habang nakatingin sa kaniya at nakita ko ang maliit na silay ng ngiti niya sa labi Natapos ang araw ko na iniiwasan ko siya kahit na pag tawag niya sa akin ay hindi ako pwedeng Hindi agad aalis kapag wala siyang pinaguutos. Kahit na binigyan niya ako ng kasiguradohan na hindi na mauulit ay nilalayo ko parin ang sarili ko dahil ayukong maulit at maulit ang nangyari hanggat maaari ay ayukong malapit kahit sa kaninong lalake na pwedeng maging dahilan ng pag kasira ko mas ayos ng magisa akong nabubuhay kesa naman sa may katuwang nga sa buhay iiwan rin naman ako pag nakuha na ang pangangailangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD