Chapter 1
"Hoy bata bakit ka umiiyak dyan?" yan ang tanong ng kaisa-isang batang pumansin sa akin.
Pero hindi ko sya sinagot bagkus ay nagpatuloy parin ako sa pag-iyak. "Hoy bakit ka nga umiiyak? Bakla kaba?Tingnan mo yung sipon mo humahalo na sa luha mo. Kadiri."
Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi nya dahil narinig ko na naman ang salitang pinaka-ayaw ko sa lahat. Bakla.
Sa mura kong edad alam ko na kung ano ako. Naiiba ako dahil lalaki ang katawan ko ngunit babae ang puso. Kaya rin siguro walang nakikipaglaro sa akin dahil daw kadiri ako at baka mahawa sila ng kabaklaan ko.
"Oh kunin mo na." Akala ko ay iniwan na ako ng bata ngunit narito parin sya at may inaabot na panyo sa akin.
Napatingin ako sa kanya habang suot suot ang pinakamagandang ngiti na nakita ko. "Kunin mo na baka magbago pa ang isip ko." inis nitong sabi.
Don palang ay alam kong mabait sya pero maikli ang pasensya nya. Agad kong kinuha ang panyong ibinibigay nya at pinunas sa mukha ko. Naramdaman ko nalang na tumabi ang bata sa akin at inakbayan ako.
" Bakit kaba kasi umiiyak? Para namang hindi ka lalaki nyan." sabi nito.
Kung alam mo lang baka ikaw pa ang lumayo sa akin. Hindi ko nalang sya sinagot at pinapakalma ko nalang ang sarili ko. Habang nakaupo bumalik ang mga batang kasing edad namin na kanina ay gusto kong salihan sa paglalaro.
"Bakla sino yang kasama mo. Kung ako sayo lalayo ako dyan kadiri yan eh baka mahawa ka pa dyan?" sigaw ng pinaka matanda sa kanila kasabay ang pagtawa nya na sinundan naman ng mga kasama nya.
Dahil doon ay napayuko nalang hiya at sa sakit ng nararamdaman. Naramdaman kong tumayo ang katabi ko. Diba? Sabi ko sainyo lalayo din sya pag nalaman nya na hindi naman talaga ako lalaki. Bakla ako, Bakla.
Maguumpisa na naman sana akong umiyak ng marinig ko ang isang pagdaing na tila ba ay nasaktan. "Aray!" daing ng batang kanina ay sumigaw sa akin habang umiiyak.
"Sino ka para magsalita sa kanya ng ganyan? Eh ano naman kung bakla sya? Ha!" sigaw ng bata katabi ko kanina at aamba pa sana ngunit nagsitakbuhan na ang mga ito.
"Tigas naman nang bungo non." daing nya habang hinihimas ang kamao nito na nagpatawa sa akin.
"Oy bakit ka tumatawa dyan?" Kunot-noo nyang tanong sakin.
Sa unang pagkakataon ay nagsalita ako sa kanya. "Ikaw kasi eh hahaha." tugon ko sa kanya at napangiti naman sya.
"Tara." Napatingala ako sa kanya ng ilahad nya ang kamay nya. Agad ko itong inabot at tumayo. Bibitawan ko na sana ang kamay nya ng bigla nyang higpitan ang pagkakahawak dito na naging dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya.
"Wag ka munang bumitaw para safe ka sakin." isang matamis na ngiti ang ipinakita nya sa akin. Nagsimula na kaming maglakad ng mayroong isang kotse ang tumigil sa amin.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan kaya nagtago ako sa likod nya. Napatingin ako sa kotse ng biglang bumukas ang pintuan nito at may bumaba na isang malaking lalaking naka bonet. Kasunod nya ang tatlo pang lalaki. Bago paman sila makalapit ay tumakbo na ako at hinila ko na ang bata papunta sa kakahuyan.
Ngayon sya naman ang ililigtas ko. Pasalamat nalang ako at kabisado ko pasikot sikot dito. Habang tumatakbo kami ay naestatwa ako ng mayroon akong marinig na putok ng baril.
"Okay ka lang?" nagaalalang tanong nya sa akin. Nawala ako sa sarili ko sa hindi malamang dahilan kaya napaatras ako sa kanya. Hindi ko namamalayan na isang bangin na pala ang nasa likuran ko. Kaya bago ko pa malaman ay na out balance na ako at nahulog.
Napapikit ako dahil sa takot pero nawala ito ng makita kong nakahawak ang bata sa kamay ko. "Kumapit ka lang hihilain kita!" sambit nito sa akin at pinipilit akong hilain pataas.
Gusto ko mang makaakyat pero hindi ko magawa. Unti-unting humihina ang kapit ko sa kanya at mas lalo pa akong nawalan ng lakas ng makarinig ulit ako ng putok ng baril. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makakita ako ng dugo sa kanang balikat ng bata na naging dahilan kung bakit sya nawalan ng lakas. Akala ko ay bibitawan nya na ako pero laking gulat ko nalang ng mahulog sya hawak ang parin ang kamay ko at habang nahuhulog kami naramdaman kong niyakap nya ako. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay noon.
Nagising ako sa hospital noon. Sabi ni Mama sa akin tatlong araw akong walang malay. Hindi ko alam pero agad kong hinanap ang batang nagligtas sa akin pero ang sabi sa akin ni Mama ay may nagsabi raw sa kanya na nandito ako at naaksidente.
Wala daw akong ibang kasama kundi yung taong nakakita na umalis na din. Basta noong nakalabas kami ng hospital bayad na lahat ng bill. Simula non hindi ko na sya nakita. Wala narin akong balita sa kanya
"Sinubukan ko po syang hintayin tuwing sasapit ang fiesta sa probinsya namin. Lagi po akong nandoon malapit sa kakahuyan at nagbabakasakaling magkita kami. Pero wala. At yun ang kwento ko kung bakit ako takot sa matataas na lugar." pagtatapos ko ng kwento sa harap ng klase.
"Thank You Mr. Artega for sharing your story." sabi ng prof namin kasabay ng palakpakan ng buong klase.
"Miss may question po ako."
Pabalik na sana ako sa upuan ko ng biglang may nagtaas ng kamay.
"Yes Mr. Vargas?" tanong ng prof namin sa lalaking nagtaas ng kamay.
Nagtama ang mga mata namin ng tumingin sya sa akin. "Paano kung makita mo nga sya?" tanong nya sa akin.
"Magpapasalamat ako sa kanya." yun lang ang nasagot ko. Akala ko ay ok na ng mayroon pa pala itong karugtong.
"Hindi mo sya bibigyan ng 150." tanong nya sabay tawa. Nagtawanan narin ang buong klase na kinainis ko.
Kahit kailan talaga hindi mawawalan ng mga taong mapanghusga. Hindi ko nalang sya pinansin at umupo sa harapan nya.
"Bakla."
Itutuloy.....