CHAPTER 13

1659 Words

"Sandali!" sigaw ni Nayume nang makita niyang pasara na ang elevator at agad namang iniharang ng may sakay nito ang kamay nito para pigilan ang pagsara ng elevator. Nang muling bumukas ang pintuan ng elevator ay natigilan si Nayume nang makilala niya kung sino ang may sakay ng elevator. Ang kanyang boss at kasama ang taong hindi niya inaasahang makikita sa lugar na 'yon. Si Roniel! Natulala siya at halos hindi siya makagalaw. Sa isang umaga lamang, nakita niya ang lalaking nakasagutan niya kagabi kasama ang lalaking nanakit sa kanyang puso. Hindi niya tuloy alam kung ano nga ba ang kanyang gagawin. Nakita ni Cedric ang pagkatulala ng kanyang secretary at ang pag-aalinlangan nitong pumasok sa elevator. Napansin din niya kung papaano nito tapunan ng tingin ang kanyang katabing si Roniel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD