"Ma'am Trina? Bakit po kayo nandito?" "Ano ka ba? Trina na lang. Hindi mo naman ako boss, eh," saad nito Trina. "May bibilhin lang ako," dagdag pa nito habang hindi mawala-wala sa mukha nito ang pagtataka. Matapos niyang maibigay ang mga binili nito ay napatingin sa kanya si Trina. Magtatanong pa sana si Trina pero hindi na nito nagawa nang may lumapit na customer para sa binili nito. Wala na siyang nagawa nang muling naging busy ang dalaga kundi ang umuwi na lamang. Nagtataka man siya ay wala na siyang nagawa pa pero alam naman niyang makakausap pa rin niya ito at matanong kung bakit ito nagtatrabaho sa convenience store nang ganu'ng oras na imbes nagpapahinga na ito mula sa maghapong pakikibaka sa loob ng kompanya ng kanyang pinsan. "Good morning, Madam Chairwoman," bati ng mga

