Nang matapos na niyang ayusin ang schedules ng kanyang boss ay agad din siyang umalis ng kompanya at dumiretso na siya sa convenience store para sa trabaho niya. "Sorry po, Ma'am. Na-late po ako nang konti," hinging-paumanhin niya sa kanilang head nang nakarating siya. "It's okay." Mabuti na lamang at mabait ang kanilang head. "Nayume?" Napatingin ang dalaga sa nagmamay-ari ng boses ng babae na tumawag sa kanya. "Trina? Bakit ka nandito? May bibilhin ka ba ulit?" "Wala naman. May pinuntahan kasi ako then napadaan ako rito," sagot naman nito. "Hindi ka pa ba napapagod?" Marahan siyang umiling-iling kahit na ang totoo ay pagod na rin siya pero para sa pamilya ay nakahanda siyang magtiis. "Kaya ko pa naman," sagot naman niya na may kasama pang ngiti sa mga labi. Naaawang napating

